14

SEPTEMBER 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Monica Serreon

“Ako ang pintuan. Ang sinumang taong pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.”

Juan 10:9

Isang gabi, hindi mo inaasahang magigising ka ng isang ingay. Dahil sa takot mo, bumangon ka agad at sumilip sa bintana. Naaninag mo ang figure ng isang lalaki. Kinabahan ka at nag-pray kang protektahan ka ni Lord sa anumang pwedeng mangyari. Ni-lock mong mabuti ang inyong pinto at hinarangan ito ng mabigat na bagay.

Importante ang pagkakaroon ng matibay na pinto. Ang pinto ang proteksyon natin mula sa anumang panganib na pwedeng pumasok sa ating tahanan. Aside from this, ang pinto rin ay isang kanlungan. Tulad na lang ng kung paanong ang mga tupa ay pumapasok mula sa gate o pinto ng kanilang sheep pen. The shepherd makes sure that the animals are safe, na hindi sila maabot ng mababangis na hayop. Sa katunayan, inihaharang mismo ng shepherd ang kanyang sarili sa pasukan ng sheep pen at nagsisilbing pinto. Ipinansasalag niya at ipinapantakip ang kanyang katawan. Ginagawa niya ito upang hindi makalabas ang mga tupa at matiyak ang kanilang kaligtasan gabi-gabi.

Ang problema sa ating mga tao, mahilig tayong pumasok sa iba’t ibang mga pinto ng kung sinu-sino at kung anu-ano. Sila ang pinapasukan natin papunta sa akala nating safety and peace na lagi nating hinahanap. Iniimbitahan tayo ng Diyos na subukan Siya. Jesus assures us in John 10:9 that He is the door. He can save us.

Ang Diyos ang iyong pastol na araw-araw na mag-aalaga sa iyo at magpo-protekta sa iyo mula sa kapahamakan. Sa lahat ng pagsubok, takot, at karahasan, lumapit sa Kanya, ang pinto ng kaligtasan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat at hindi na ako mag-iisa. Hindi na rin ako dapat matakot sa anumang panganib at mga pagsubok sa buhay, You are my safe space, my fortress. Ikaw ang pinto na patuloy na magpo-protekta sa akin. Ipinagkatiwala ko ang aking buhay sa Iyo dahil sa Iyo lang tunay na may kaligtasan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Kumuha ng notebook or mag-create ng notes sa phone at ilista ang mga bagay na kinukuhanan mo ng safety maliban sa Diyos. Ipinalangin mong mawala na ang attachment mo sa mga ito at ituon ang focus sa Diyos.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 5 =