13

JANUARY 2025

Ang Sarap!

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Awit 34:8

Nasubukan mo na bang tumikim ng mga pagkaing inaalok sa supermarket in small portions? ’Yung inaalok na free taste? Minsan cheese cubes, hotdog slices, a small cup of noodles, or a tiny cup of juice ang inaalok ng food samplers. Ang objective nila ay i-introduce ang kanilang produkto at bilhin mo ito.

Sa Psalm 34, may ipinatitikim din si David sa mga tao. Inaanyayahan niya ang mga tao na “tingnan at lasapin ang kabutihan ni Yahweh.” Bakit niya ito nasabi? Kasi natikman niya mismo ang kabutihan ng Diyos. Gusto kasing ipapatay si David ni Haring Saul kaya tumakas siya sa bayan ng Gath. Pero nakilala siya ng mga opisyal ng hari ng Gath. Natakot si David na baka anong gawin sa kanya ng hari ng Gath, kaya nagkunwari siyang baliw. Dahil doon, hindi siya ginalaw at pinalayas na lamang (1 Samuel 21).

Sa gitna ng persecution na naranasan niya, nagtiwala si David kay Yahweh, kaya naman iniligtas siya ni Yahweh mula sa panganib. Ikaw, feeling mo ba ay inaapi ka? Are you being treated unjustly? Natatakot ka rin ba dahil may nagbabanta sa iyo? At dahil dito, nawawalan ka na ng pag-asa at takot na takot? Sabi ni David, “Uy, taste and see that the Lord is good! Pinagdaanan ko ang lahat ng iyan, but I prayed to the Lord and He answered me” (Psalm 34:4). Hindi ito nangyari dahil magaling mag-pray si David. No. Naligtas si David because of the great mercy of the Lord, in whom he trusts.

Like David, may we also trust in the Lord, whatever our situation. To believe that because He is good, we will eventually see evidence of His goodness in our lives. Tiyak, lalasapin din natin ang kabutihan ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, gaya ni David, I believe that I will also taste and see Your goodness in my life. I believe that You are in control of my current situation. Matitikman ko rin ang masarap na biyaya Ninyo sa buhay ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Pray for someone who may be in a difficult situation. Try to encourage this person by sharing this devotion.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =