18

MAY 2023

Ang Tunay na Kayamanan

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Thelma A. Alngog

Welcome sa last part ng ating series na “Stewardship of Treasures.”

Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Kawikaan 11:4

Si Christian ay limang taong gulang nang isali ng kanyang mommy sa declamation contest. Dahil gustong-gusto ng mga magulang niya na mag-share ng gospel, ginamit nila ang tulang ito kung saan nagkunwari siyang pulubi:

Kung mayroon ka lang isang pirasong tinapay, mahirap ka pa rin!

Kung mayroon ka lang isang pirasong damit, mahirap ka pa rin!

Kung mayroon ka lang isang kotse, mahirap ka pa rin!

Kung mayroon ka lang isang bahay, mahirap ka pa rin!

Kung mayroon ka lang isang bapor, mahirap ka pa rin!

Kung mayroon ka lang isang milyong piso, mahirap ka pa rin!

Narito ang tunay na kayamanan:

ang tanggapin mo si Jesu-Cristo sa iyong puso

Bilang Tagapagligtas at Panginoon ng buhay mo

At ang tunay na kayamanan ay mapapasaiyo!

Pagkatapos mag-bow, alam ba ninyo na siya pa mismo ang nag-lead sa audience sa isang panalangin para tanggapin si Jesus? Ang galing, di ba? Noon ay may isang lalaki ring inanyayahan si Jesus para tanggapin Siya. Gusto kasi ng lalaking magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ipinahiwatig ni Jesus sa kanya na hindi ang pagsunod sa mga kautusan ang susi, kundi ang lubusang pananalig at pagsunod sa Kanya. Iyon ang susi sa pagkakaroon ng tunay na kayamanan sa langit (Mateo 19:16–21).

Walang saysay ang kayamanan dito sa lupa kapag namatay na tayo. Malalayo lang tayo sa kapahamakan kung ngayon pa lang ay tatanggapin na natin si Jesus as Savior and Lord. At kapag tinanggap natin Siya, tuturuan at tutulungan Niya tayong mamuhay sa katuwiran (Kawikaan 11:4).

Sana ay marami kayong napulot sa ating katatapos na series na “Stewardship of Treasures.” Kita-kits tayo uli bukas para sa isa na namang encouraging message from the Word of God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, I receive You as my personal Savior and Lord. Reign in my heart and be my greatest treasure forever. Amen.

APPLICATION

Your security does not depend on your savings or wealth but on the Lord, so do not hesitate na magbigay sa mga gawain para sa Panginoon. Try mo ring mag-donate sa Operation Blessing ng CBN Asia para matulungan ang ating mga kababayan.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 8 =