31

JANUARY 2025

Ang Tunay na Matapang

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Edwin D. Arceo

Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit. Masamang balita’y hindi nagigitla, matatag ang puso’t kay Yahweh’y tiwala.

Awit 112:67

Kapag nabanggit ang salitang “matapang,” sino ang naiisip natin? Malamang na maiisip natin ang isa sa ating mga bayani tulad ni Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, o di kaya ay si Heneral Antonio Luna kasi napanood natin yung pelikula niya.

Madalas ang sukatan natin ng tapang ay ‘yung mga taong hindi umuurong sa away, ipinaglalaban ang mga naaapi or naninindigan para sa kanyang prinsipyo. Pero sa Bible, meron pang isang definition ng taong matapang. Siya ‘yung tinutukoy sa Psalm 112:7 (ESV), “He is not afraid of bad news; his heart is firm, trusting in the Lord.” 

Hindi na mabilang ang mga taong nasira ang buhay dahil sa masamang balita. Sila yung mga gumuho ang mga pangarap dahil hindi nakapasa sa board exam, na-adik sa drugs nang mawala ang pinakamamahal sa buhay, or yung mga hindi na nakatayo muli dahil nalaman niyang biktima pala siya ng illegal recruiter at baon na siya sa utang. Isa ka ba sa mga ito?

My friend, kapag tayo ay na kay Jesus, and He lives in our hearts, Siya ang magpapatatag ng ating puso laban sa mga masasamang balita at fake news na darating pa. Economic devastation? Panibagong pandemic? Inflation? Health crisis? Lahat ng masasamang balitang iyan ay bahagi ng buhay natin sa mundo. Ang mga ito ay nakakaguho ng pananampalataya kapag wala si Jesus sa puso ng tao. Pero for us Christians, si Jesus ang ating Firm Foundation. Kapag nasa Kanya tayo, anumang bagyo at baha ang dumating ay mananatili tayong nakatayo (Lucas 6:48) dahil nagtitiwala tayo sa kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama naming nasa langit, panatiliin Ninyong matibay ang faith ko sa Inyo at sa anak Ninyong si Jesus na tinanggap ko sa aking puso. Huwag Ninyo pong hayaan na ako ay manghina sa bad news na darating dahil sa Inyo ako nagtitiwala.

APPLICATION

Instead of scrolling through your social media feed today, buksan mo ang iyong Bible or ang iyong Bible app. Pumunta ka sa Awit 112 at basahin ang lahat ng nakasulat dito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 9 =