1
FEBRUARY 2025
Hagupit na Malupit
…sila’y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod. Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila’y hinagupit; sa natamong hirap, nang sila’y bumagsak ay walang lumapit. Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila’y iligtas.
Awit 107:11–13
Wapak! Ito ang tunog ng isang malakas at masakit na hagupit. Nakatikim ka na ba ng malakas na palo noong bata ka pa? Kung minsan ay napapalo rin tayo ng Panginoon para tayo ay tumino.
Sabi sa verse natin ngayon sa Awit 107:11, …sila’y naghimagsik, lumaban sa Diyos… Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila’y hinagupit. Tinutukoy ng author na si King David ang sinapit ng mga Israelita noong nagrebelde sila sa Panginoon. Pride is the root of rebellion against God — this is Satan’s sin that expelled him from heaven (Isaiah 14:12–15). Naniwala kasi siya na mas mahusay siya kaysa kay God. Senyales na mayroong pride sa ating puso kapag tayo ay sumusuway sa Kanya — nagmamatigas, nagmamataas, at nagmamarunong. Ipapahamak tayo nito. At para tayo ay tumino, kung minsan ay pinapahintulutan ni God na makatikim tayo ng hagupit na malupit sa ating buhay — mga paghihirap na madalas ay nagmamarka at sumusugat.
Buti na lang ay mapagpatawad at mahabagin ang ating Diyos at hindi nagtatapos ang lahat sa palo at sugat. Sabi sa Awit 107:13, “Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila’y iligtas.” Nagdurusa ka ba at naghihirap ngayon? Tumawag ka sa Kanya nang may pusong mapagkumbaba at pagsisisi. Have faith and go in peace! Siya na ang bahala. Let Him show you His saving grace.
James 4:10 (ESV) says, “Humble yourselves before the Lord, and he will exalt you.”
LET’S PRAY
Panginoon, patawarin po Ninyo ako sa pagiging ma-pride ko na nagdulot ng mas marami ko pang pagkakasala. Nagpapakumbaba na po ako sa Inyo. Change my heart, Oh God. Make my life honorable and pleasing in Your sight. In Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
Meron ka bang nasaktan at nasugatan? Free yourself from the sin of pride by admitting your faults and asking for forgiveness from God and this person. Ipagkatiwala mo na sa kamay ng Panginoon ang resulta. Ang mahalaga ay na-honor mo Siya. Let His healing power flow.
SHARE THIS QUOTE
