21

MAY 2024

Ang Unfair, Lord!

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Joshene Bersales

Naranasan mo na bang matrato unfairly? Ma-discriminate at ma-betray? Anong gagawin mo kapag nangyari ito sa iyo? Let’s look into God’s Word as we begin a new series titled “When Treated Unfairly”.

Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.

Awit 37:8

Excited na umattend si Susie sa kanyang first girl scouts’ camp. Maayos niyang tinapos ang tasks na inassign ng kanilang squad leader. Nang bandang hapon, nakita niyang meron siyang ibang kasamang natutulog. Dahil dito, inakala niyang puwede na rin siyang mag-breaktime.

Pero laking gulat ni Susie dahil pagkagising niya, na-discover niyang may nakasulat sa kanyang braso. “REYNA!” Kuwento ng mga kasama, may dumaan daw na senior officer at inakalang tatamad-tamad siya. Imbes na gisingin siya at pagsabihan in private, mas pinili ng officer na gumamit ng pentel pen para ipahiya siya sa harap ng ibang tao. Ang masaklap, kahit may iba ding natulog tulad niya, siya lang ang pinag-initan ng officer hanggang matapos ang camp.

Na-experience mo na rin ba ang naranasan ni Susie? ‘Yung pakiramdam mo pinag-initan ka at more than what you deserve ang punishment na ibinigay sa iyo? Sa totoo lang, understandable naman talaga ang pakiramdam na ito.

During these times, subukan nating tumingin kay Jesus at i-recall ang lahat ng injustice na pinagdaanan Niya sa cross. Unlike us, wala Siyang ginawang mali kahit kailan. Puro kabutihan lang ang ipinakita Niya sa mga tao. Puro katotohanan lang ang itinuro Niya sa kanila. Kaya kitang-kita na hindi makatarungan ang parusang binigay sa Kanya sa Calvary. Kung merong nakaranas ng pinakamatinding injustice dito sa mundo, for sure si Jesus ’yun.

Pero hindi nagpakita ng galit si Jesus despite sa lahat ng ito. Nanatili Siyang humble at tinanggap ang unfair punishment na ipinataw sa Kanya. Hiniling pa nga Niya sa Diyos Ama na patawarin ang mga nagpahirap sa Kanya “sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Instead na magalit, pinili ni Jesus na magpatawad. Kahit mahirap, kahit parang imposible, sana piliin din natin ito. Kapag pinili natin itong gawin, tiyak na bibigyan tayo ng Diyos ng kakayahang isagawa ito.

Join us again tomorrow sa pagpapatuloy ng ating series na “When Treated Unfairly”. Until then, please remember, Jesus loves you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, napaka-unfair ng pinagdadaanan kong mistreatment ngayon. Please, tanggalin Mo ang galit sa puso ko at tulungan Mo akong magpatawad tulad ng pagpapatawad Mo sa mga kasalanan ko. Amen.

APPLICATION

Nakakaramdam ka ba ng galit sa isang tao dahil sa unfair treatment niya sa iyo? Take the time to pray for that person today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 12 =