25
MAY 2024
Angels Are Real
Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila’y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.
Mga Hebreo 1:14
Naniniwala ka ba sa angels? Alam mo ba na bukod sa pagiging messengers ay ipinapadala rin ni Lord ang Kanyang mga anghel para tayo ay tulungan, palakasin, at ingatan? Ang tawag sa kanila ay “ministering angels” or “ministering spirits.”
Sa Bible, mababasa natin na nagsusugo ang Diyos ng angels upang magdala ng mensahe sa mga tao, magbigay ng tulong sa isang mahirap na sitwasyon, maghatid ng sagot sa panalangin, or kaya ay magpalakas sa mga manghihina.
Si Jesus mismo ay naka-experience ng tulong mula sa angels. Noong Siya ay nasa disyerto pagkatapos mag-fasting ng 40 days at sinubukan Siyang i-tempt ni Satanas, mababasa natin na dumating ang mga anghel para tulungan Siya (Mateo 4:11). At noong si Jesus ay malapit nang ipako sa krus at hirap na hirap na ang Kanyang kalooban, nagpadala ang Diyos ng isang anghel para Siya ay palakasin (Lucas 22:43). Sa Daniel 10:10–14 naman, mababasa natin kung paanong inutusan ng Diyos ang isang anghel na magdala ng sagot sa panalangin ni Daniel. May mga pagkakataon na dumadating din ang angels para iligtas tayo mula sa sakit at panganib (Awit 91:11) o sa isang mahirap na sitwasyon, katulad ng nangyari kay Paul sa Mga Gawa 12:5–17, kung saan dumating ang isang angel upang palayain siya mula sa kulungan.
It’s such a comfort to know na meron palang mga angel na ipinapadala si Lord sa atin upang tulungan tayo. Hindi pala tayo nag-iisa. In the most difficult situations and in our most desperate cries, God sends His angels to help, strengthen, and encourage us. Maniwala ka. Angels are real.
LET’S PRAY
Lord, thank You for Your ministering angels. May You send Your angels to guide, protect, encourage, strengthen, and help me in my time of need. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Isama sa iyong daily prayer ang Psalm 91:11.