1

FEBRUARY 2026

Anong Gagawin Mo sa Kalayaan Mo?

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Precious Marian Calvario

Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito’y nakakatulong. Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.  

1 Mga Taga-Corinto 10:2324

May iba’t ibang interpretasyon ng kalayaan. May ilan na ipinapalagay na ito ay “personal independence” o kalayaan na gawin ang anumang gusto. Tulad ng, “Matutulog ako kung anong oras ko gusto” o “Kakain ako ng kahit anong gusto ko.” Meron naman na ang tinutukoy ay kalayaan mula sa nang-aapi o abuser. Or politically speaking, freedom from invaders. Pero alam mo bang higit pa sa mga ito ang kalayaan na ibinibigay ni Jesus?

In John 8:3138, Jesus talked about the truth that sets His listeners free. Sa unang dinig, aakalain na patungkol ito sa kalayaan ng mga Judio mula sa pananakop ng Roman Empire. Pero malinaw na sinabi ni Jesus na ang sinumang namumuhay sa kasalanan ay alipin nito. At ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya, hindi gaya ng anak na forever part of the family. Jesus’ listeners were Jews at inaakala nila na dahil ipinanganak sila sa lipi ni Abraham ay kasama na agad sila sa pamilyang tinutukoy ni Jesus. Pero kung naniniwala sila sa mga aral ni Jesus, maiintindihan nila ang katotohanan na spiritually speaking, hindi sila malaya sa kasalanan. Jesus is the way, the truth, and the life (John 14:6). At ang pagtanggap natin sa Kanya bilang Tagapagligtas at Panginoon ang katotohanang magpapalaya sa atin, ang kalayaan na mamuhay according to the purpose God made us for (Ephesians 2:10).

Na-experience mo na ba ang kalayaang ito? Kung hindi pa, consider receiving Jesus in your heart today. And if you already have this freedom, will you commit to living out your life according to God’s purpose for you today?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for the freedom that You have blessed us with. Help me to live my life according to the purpose You have long planned for me. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Learn more about freedom in Christ by joining a small Bible study group. Or  look for verses in the Bible that talk about freedom in Christ and study them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =