22

OCTOBER 2024

Anong Plano Mo?

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Jude G. Agbayani

Welcome to our new series, “Change of Plans”. Mahalaga ba ang magplano? Dapat ba tayong magplano? Let’s listen and find out.

Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo?

Lucas 14:28

Sabi ni Benjamin Franklin, “If you fail to plan, you are planning to fail.” Kung walang plano sa buhay, saan kaya tayo makararating?

What if yung driver ng bus na sinasakyan mo ay mag-decide na go with flow muna siya? Ibig sabihin, wala siyang ruta na susundan kundi kung saan lang makarating ang bus niya. Matutuwa kaya ang mga pasahero niya? Siyempre hindi! Baka nga walang sumakay sa kanya dahil wala naman siyang malinaw na destinasyon.

Nung medyo bata-bata pa tayo, ang iba sa atin ay hindi talaga marunong magplano. Feeling siguro natin pang-matatanda lang ang paggawa ng 5-year or 10-year goals. Iniisip natin we should enjoy life while we are young. Sabi nga sa Ecclesiastes 3:1-8, there is a time for everything. May time mag-enjoy at may oras para magplano ng future natin. Pero hindi lang tayo ang affected if we fail to plan. Our decisions, or even indecisions, today will affect the lives of our families.

Si Lord nga nakalatag sa bawat araw ng creation kung ano ang Kanyang gagawin because our God is a God of order. Ayaw Niya ng magulo at walang direction. Ang nagpapagulo lang talaga sa mga buhay natin ay ang kawalan ng plano. Kung saan lang agusin ng tubig, doon tayo pupunta. Kung ano ang uso or marinig mo sa iba ay gagawin mo rin. Nakalimutan natin i-offer kay Lord ang mga gusto or plano natin sa buhay. Akala kasi natin kayang-kaya natin lahat. Hanggang sa lumaki na ang problema, dun lang tayo lalapit sa Kanya.

Mabuti na lang we have a God of second, third, and many chances. Kahit sa dami ng maling desisyon natin or kawalan ng plano, He is always ready to redirect us. The key is to listen to His voice.

Friend, kung feeling mo na huli na ang lahat para magplano sa buhay, hindi totoo yan. Buhay ang ating Diyos na magbibigay ng talino at kaliwanagan ng isip sa iyo. Hindi ka iiwan sa ere kundi sasamahan ka Niya hanggang marating ang magandang future mo.

Please plan to join us again in our three-part series “Change of Plans”. And tomorrow, we’ll find out kung ano kaya ang maaaring mangyari kapag hindi natuloy ang mga plano natin.Abangan!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, patawad po kung naging pabaya ako sa buhay. Inuna ko ang saya kaysa ang pagpapasya. Tulungan Mo po akong bumangon muli dahil alam ko kasama Kita sa bawat umagang dadating. Amen.

APPLICATION

Seek mentoring or coaching so they can help you create a life plan for you and your family.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 15 =