23
OCTOBER 2024
Have Your Way With Me
Welcome back to our series, “Change of Plans”. Mahalaga ang magplano, pero what if hindi matuloy ang mga plano natin?”
Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Mga Kawikaan 16:9
Nangyari na ba sa inyo na you had your day planned from start to end pero when the day ends, ibang-iba ang nangyari? Katulad na lamang ni Lydia.
Maagang umalis si Lydia papuntang conference. She rode an earlier ferry kasi may online meeting na gusto niyang salihan bago ang official start ng conference. Pagdating niya sa venue, isang hotel, tumawag sa kanya ang kaibigan niya who was attending the same conference. They were both booked in the hotel. Masama ang pakiramdam ng friend niya kaya pinuntahan niya. Because her friend looked unwell, nag-decide si Lydia na dalhin siya agad sa ospital. Buti na lang, kasi inaatake na pala siya sa puso at kinailangan pa siyang i-airlift papunta sa ibang medical center. Naagapan dahil sa agarang pagpunta sa ospital.
Maagang nagpunta si Lydia thinking she would meet with some lady friends online and so they could know more about Jesus together through His word. Hindi man naka-attend ng online meeting si Lydia, na-experience naman niya ang faithfulness ng Panginoon that morning. Na-witness niya how the Lord overrides our plans, so His purposes prevail. Abot-langit ang pasasalamat niya na naligtas ang kanyang kaibigan sa kapahamakan, and she was where she was when her friend needed her.
Ready rin ba tayong magpagamit kay Lord katulad ni Lydia? Willing ba tayong i-give up ang ating schedule at mga plano para i-embrace ang schedule at plano Niya?
We may plan, but God’s plan will still prevail. Let us choose to trust Him each day. Please join us again tomorrow for the last part of our series “Change of Plans.” Kita-kits!
LET’S PRAY
Panginoon, Ikaw ang Dakilang Direktor ng aking buhay. You know where I need to be at all times. May mga oras na nagrereklamo ako kasi hindi nasusunod ang gusto ko. Thank You for being patient with me. Alam ko po na ang buhay ko ay sa Inyo, kaya have Your way with me, Lord Jesus. Amen.
APPLICATION
Get a blank piece of paper. Draw the outline of your foot. Isulat mo ang mga plano mo for this week and commit them to the Lord! In the space above the foot write, “Direct my steps, Lord.”