29

DECEMBER 2025

Are You Committed?

by | 202512, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Luisa Collopy

Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.

Josue 24:15b

Ang salitang commitment ay kadalasang associated with relationships — boyfriend–girlfriend o mag-asawa o bahagi ng isang pamilya o friendship. We clearly understand our responsibilities to one another.

Commitment is also used in aspects of education and career. Ito ‘yung subsob tayo and “burning the midnight candle” dahil meron tayong goal to succeed.  

What if we think of another kind of commitment that will involve not just us, but everyone else in our household? Malaking challenge ito, right? I-declare natin ang mga salitang ito this year and see kung anong pagbabago ang makikita natin sa bawat miyembro ng ating pamilya: “Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod” (Josue 24:15b).

Ano kaya ang kahalagahan ng commitment na ito? Una, mananahan sa atin ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh (Isaias 11:2). Ilang beses na bang pumalpak ang ating desisyon dahil umasa tayo sa ating kaalaman? Hindi ba’t nagkaroon na rin tayo ng moments when our piece of advice backfired dahil hindi pala ganoon kabuti ang naibigay natin? How many times do we tell our children — o di kaya ay narinig natin sa ating mga magulang — ang kahalagahan ng pagsunod at paggalang? Ano ang mangyayari kung mag-uumpisa tayong lahat sa pagsunod sa Panginoon

Ikalawang benefit ayon sa Isaias 1:19b ay tatamasahin natin ang ani ng ating lupain kung susundin natin ang sinasabi ng Diyos. Prosperity! Sino ba sa atin ang ayaw na maging prosperous? Hindi ba’t iyan ang favorite word ng marami? Sinabi ng Panginoon na ang pagsunod sa Kanya ay maghahatid ng blessings sa ating buhay. Hindi pababayaan ng Panginoon na mabuhay nang may kakulangan ang Kanyang mga anak na nagtitiwala at sumusunod sa Kanya. At ang pinakamahalagang aanihin natin ay ang Kanyang pag-iingat sa ating buhay today till eternity.

“Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod” (Josue 24:15b). Hindi ba mainam na ipamuhay nga natin ang mga salitang ito bilang tugon sa Panginoon na committed na tayo ay pangalagaan?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat na hindi Ka nagsasawang paalalahanan kami sa kahalagahan ng aming commitment to obey and serve You.

APPLICATION

Create a journal of your blessings as you commit to serve God together with your family.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 9 =