2

JUNE 2025

Are You Looking for Your “Safe Person”?

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

God is not only our great Provider, but He is also our Protector. Sama-sama nating diskubrihin ang katangiang ito ng ating Diyos sa ating series na “God Is Our Heavenly Father.”

Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin. Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.”

Awit 91:14–15

Naranasan mo na bang mag-open up pero you felt unsafe after? That feeling that after you expressed your fears, insecurities, and problems, hoping this person would understand, you were judged instead? Ang hirap ‘no? Ang gusto mo lang naman ay may makinig at samahan ka sa iyong nararanasan at maki-journey sa iyo. Iyon bang ipaparamdam sa iyo na “Okay lang na i-share mo yan. Hindi kita huhusgahan o ikukuwento ito sa iba. Safe ka sa akin.”

Psalm 91 tells us about our God, who is more than a “safe person.” Sa mga nananahan sa Kanya, si Lord ang takbuhan at matibay na depensa (v.2). Siya ang tagapagligtas nila mula sa mga kaaway at maging sa nakamamatay na sakit (v.3). Sa ilalim ng Kanyang pakpak, pinoprotektahan Niya sila (v.4). Hindi sila matatakot sa gabi, umaga, o salot (vv. 5-6). Mamatay man ang ilang libo sa paligid, hindi sila masasaktan (v.7). Parurusahan Niya ang mga masasama (v.8). Iyan ang pangako ng Diyos sa mga tumanggap sa Kanya.

God sees you. Kaya naman inaanyayahan ka Niya ngayon na tanggapin Siya sa buhay mo at mahalin. At pangako Niya, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin. Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” (Awit 91:14–16)

We hope you’ll join us again tomorrow for our series “God Is Our Heavenly Father.” May you experience God’s love, provision, and protection in amazing ways!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, alam Ninyo ang aking pinagdadaanan ngayon. Tinatanggap ko po ang Inyong imbitasyon na manahan sa Inyong kanlungan. Tulungan po Ninyo ako na magtiwala sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Read Psalm 91 in different translations. Ask the Holy Spirit to give you a deeper insight into the text.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 12 =