29
JULY 2026
Avoid Conflict, Respond in Love
Kayo’y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.
Mga Taga-Efeso 4:2-3
Excited na pumasok sa college si Kaye at ang kanyang mommy na si Grace. Nakapasok si Kaye sa dream university niya at weeks before ng pasukan ay ready na siya. But Grace is not too excited about her daughter’s independence. Nagkaroon pa ng tampuhan ang mag-ina dahil dito.
Preschool pa lang si Kaye, si Mommy Grace na ang naghahatid at nagsusundo sa kanya. Hanggang sa high school, naging chaperone na siya ng kanyang anak. Now that Kaye is entering college, Grace still wants to the same. But Kaye refused her offer and requested some freedom from her mother. Ayaw na niyang magpahatid sa ina dahil gusto na niyang ma-experience ang independence.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Kaye at ang dreaded day naman ni Grace. Ready na siya sa mga gamit niya at alam na rin niya kung saan siya sasakay at kung paano magbiyahe. Habang si Grace ay tahimik lang na naglilinis sa kusina, hindi matiis ni Kaye ang ina kaya’t nilapitan niya ito.
“Ma, papasok na po ako. ’Wag ka na magtampo sa akin. Mag-iingat naman ako at mag-update ako sa ‘yo kapag nasa school na ako,” sabi ni Kaye sabay yakap sa mama niya.
“Hay, naku! Malaki ka na nga talaga, anak. Sorry kung over-protective ako ha? Naiintindihan kita at hindi ko na ipipilit ang gusto ko. Sige, mag-ingat ka ha. Text mo ako kung may problema ha?” paalala ni Grace. “Opo, Ma,” sabi niya sabay halik sa ina.
Grace understands her daughter’s excitement as a young adult. Despite her desire to protect her, she learns to trust the Lord’s protection over Kaye. Instead of arguing and insisting on what she wants, Grace willingly let go and responded in love. In this case, Grace followed the Apostle Paul’s reminder to pursue love, unity, and peace.
LET’S PRAY
Lord, teach me how to be patient, especially when I do not get my way. Give me an understanding heart so I can avoid conflict and promote peace in my relationships. Help me become a better person. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
When you are tempted to react negatively towards someone, pause and breathe. Respond in love.
SHARE THIS QUOTE
