28

JULY 2026

Pagtubos na Walang Katumbas

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Lucille Ocampo-Talusan

Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob na ibinigay sa atin.

Mga Taga-Efeso 1:78

Magkahalong galit at frustration ang naramdaman ni Elena sa nabasang notice mula sa isang pawnshop. Mareremata na ang kuwintas niyang nakasangla. Ang masaklap, hindi siya ang nagsangla nito kundi ang kanyang asawa. Invasion of privacy ang pagbukas ni Elena ng sulat na naka-address sa kanyang asawa, pero naisip niyang mabuti na lang na nabasa niya ito dahil may sentimental value ang kuwintas na iyon. Her husband is hooked on drugs and gambling kung kaya’t ugali na niya ang magbenta at magsangla ng mga bagay na hindi naman sa kanya.

Elena had no choice but to save her precious necklace. While walking to the pawnshop, nagreklamo siya kay Lord, “Bakit ako ang tutubos ng kuwintas, eh hindi naman ako ang nagsangla nito?” She immediately heard the Lord’s gentle answer in her heart. “Eh ikaw nga tinubos Kita, di ba?” The Holy Spirit reminded her how Jesus has redeemed her from all her sins kahit na hindi niya deserve ito. At mahal ang pagkakatubos Niya, hindi lang kay Elena kundi sa ating lahat. Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang Kanyang kagandahang-loob na ibinigay sa atin. (Mga Taga-Efeso 1:78). And through His resurrection, Christ triumphed over sin, death, and eternal darkness  — isang pagtubos na walang katumbas!  

Gumaan ang loob ni Elena dahil na-realize niya na napakadakila ng pag-ibig ng Diyos para sa kanya. Nagkaroon siya ng pag-asa na kayang-kaya ring tubusin ng pag-ibig ni Cristo ang kanyang asawa mula sa kadiliman. Elena was relieved later on dahil naibalik sa kanya ang nawalang kuwintas. Higit pa riyan ang nararamdaman ni Jesus when those who were once lost but believe in Jesus as Redeemer, return to Him, their rightful owner (Isaiah 44:22). He and the angels rejoice in heaven (Luke 15:10).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, maraming salamat na tinubos Mo ako from my sinful life. Bilang pasasalamat, help me to live a life that is pleasing to You and will bring glory to Your Name.

APPLICATION

List down the names of family and friends who need Christ’s redemption and ask the Lord to redeem them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 15 =