12

JULY 2026

Baha Na Naman?

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Jude G. Agbayani

Ito ang kalagayang nakita ng Diyos sa buong daigdig; namumuhay sa kasamaan ang lahat ng tao. Sinabi ng Diyos kay Noe, “Napagpasyahan ko nang lipulin ang lahat ng tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Gugunawin ko sila kasama ng daigdig.

Genesis 6:1213

Sa Pilipinas, kakambal na ng malakas na ulan ang baha. Sa mga mababang lugar, normal nang makaranas ng pagtaas ng tubig ang mga nakatira doon. Pero nitong mga huling taon, maraming nagulat dahil ang mga lugar na hindi binaha noon ay nakaka-experience na rin ng biglang pagbaha lalo na tuwing may bagyo. Massive flooding does not only destroy properties and crops but also take the lives of people.

Dahil dito, kabi-kabila ang sisihan kung sino ba ang dapat managot sa malalang sitwasyon na hinaharap ng mga Pilipino. Who is responsible and who will be held accountable? Gobyerno, private sector, o ang mamamayan ba?

Noong panahon ni Noah, nakita ng Diyos na puno ng kasamaan ang mundo. Gusto Niyang magsimula muli kaya’t nagpadala Siya ng matinding ulan at baha para malinis ang mundo. God’s grace saved Noah and his family so the Lord can start again with them.

Pakiramdam mo ba na nalulunod ka na sa problema? Sunod-sunod ang mga hindi magandang nangyayari at hirap na hirap ka na. Hindi mo na rin alam kung ano ang uunahing harapin. Tinanong mo na rin ang Diyos, “Ano ba ang naging kasalanan ko at nangyayari sa akin ito?” Pero kaya ba natin tanggapin ang Kanyang sagot?

Some people’s hardships are unavoidable because they are consequences of sin. However, not all hardships are because of sin. Other times, people go through a difficult season to train them to become the person God intended them to be or to deepen their faith in Him. God sees your pain, and He won’t waste the suffering you are going through.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako dahil nalulunod na ako sa mga problema ko. Bigyan Ninyo ako ng wisdom sa mga desisyon na gagawin ko at gabayan ang aking mga hakbang para malagpasan ko ang delubyo na ito. Thank You, Lord. In Jesus’ name, I pray. Amen.

 

APPLICATION

Sa gitna ng iyong pinagdadaan ngayon, may mga blessings na ipinapakita ang Lord sa iyo. Isa-isahin mo sila, isulat sa diary, at magpasalamat sa Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 3 =