13
JULY 2026
The Theology of Sleep
Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.
Awit 127:2
Pagod ka na ba, hindi lang physically, kundi emotionally and spiritually? Sa mundo ngayon, mas pinapahalagahan ang hustle culture and busyness kaysa sa holistic wellness. But as Christians, tinatawag tayo ng Diyos sa isang mas malalim na katotohanan — the truth about the theology of sleep.
Ayon sa Psalm 127:2, “In vain you rise early and stay up late, toiling for food to eat — for He grants sleep to those He loves.” Ang pagtulog ay hindi lang pahinga ng katawan. Ito ay espirituwal na pagsuko — isang paraan ng pagsasabing, “Panginoon, Kayo ang Diyos, hindi ako. I trust You enough to stop.” Resting demonstrates that you have faith.
Even Jesus showed us how to remain in faith and be fully at rest amidst a storm. Habang ang mga alagad ay takot na takot, si Jesus ay payapang nagpapahinga, hindi dahil sa wala Siyang pakialam, kundi dahil buo ang tiwala Niya sa Ama. Resting is His way of teaching the disciples of the confidence that they will be taken care of no matter what situation they are in. He taught the disciples about complete surrender — knowing that the Father was in control. That’s the heart of the theology of sleep: ang kakayahang magpahinga kahit may unos, dahil alam mong may mas makapangyarihang humahawak ng timon ng buhay mo.
Kung anxious ka, overworked, o overwhelmed, alalahanin mong hindi ikaw ang tagapagligtas ng mundo. Hindi mo kailangang 24/7 na gising para lang siguraduhing OK ang lahat sa buhay mo. May Diyos na hindi natutulog, at Siya ang may hawak sa iyo.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa paanyaya Ninyong magpahinga ako sa Inyong presensya. Turuan po Ninyo akong mabuhay na nagtitiwala — na kahit natutulog ako, Kayo ay kumikilos. Sa bawat pahinga ko, nawa’y mapalalim ang pananampalataya ko na hawak Ninyo ang lahat, maging ang buong buhay ko. Amen.
APPLICATION
Ngayong gabi, say this aloud during your prayer time: “Lord, I trust You. Rest is faith.” Mag-pray at i-surrender ang lahat ng bumabagabag sa isipan mo. At simulan mong gawing habit ang magkaroon ng regular and complete sleep gabi-gabi.
SHARE THIS QUOTE
