10
JULY 2024
Bakit Ako Nasasaktan?
Welcome once again to our series “When Your Life Seems to Fall Apart.” Bakit nga ba tayo nasasaktan at nahihirapan? Let’s listen to God’s Word today and find out some answers.
Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan, pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan. Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayan at ilalahad kong lahat ang aking katuwiran. Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin; nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin.
Job 23:3–5
Bakit nakakaltasan ng pera ang bank account ko? Nagulat si Angie nang makita niya ang transaction history ng kanyang online banking app. She was charged for mobile app subscriptions that she didn’t subscribe to. Tinawagan at pinuntahan niya ang kanyang bangko at sinubmit ang lahat ng kanyang proof to dispute the fraudulent transactions. “Hindi ako ang dapat na nagbabayad nito!” frustrated na sabi ni Angie. Fortunately, she got her money back and was grateful that the unauthorized charges have stopped.
Sana ganito rin lang kadali to present our case before God, ‘no? ‘Yung may hotline na puwede natin Siyang makausap at marinig, and an address where we can go to meet Him face-to-face to justify our innocence and understand His perspective.
In the Bible, Job is well-known as being blameless kaya nagulat ang lahat sa kadilimang sinapit niya. Nawala ang lahat ng kanyang kayamanan at namatay ang kanyang mga anak. Kasunod pa nito ay nagkaroon siya ng pigsa from head to toe (Job 2:7).
In today’s passage, gustong malaman ni Job ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at nahihirapan. He was confused and angry, and wanted an explanation from God. Despite not getting the answer to all his whys, naniwala si Job na kahit hindi niya nakikita ang Panginoon ay nakikita naman siya Nito (Job 23:10). After the testing of his faith, God restored Job’s dignity and fortune. He was blessed twice as much as he had before (Job 42:10). Pinatunayan niya na hindi lang niya sinasamba si God kapag maganda ang nangyayari sa kanyang buhay. Sa kabila ng kadiliman ay hindi siya kailanman iniwan ng liwanag ni Jesus.
When our lives seem to fall apart, remember that God is holding us together. Sana ay huwag din kayong bibitiw sa pakikinig. Do join us tomorrow for the last part of our series “When Your Life Seems to Fall Apart.”
LET’S PRAY
Jesus, minsan ay pakiramdam ko na hindi ko deserve lahat ng sakit at pagsubok na pinagdadaanan ko. Parang sobra-sobra na ito sa kabila ng pagsunod ko sa Iyo. Please help me endure these trials and remain faithful to You like Job. In Your mighty name I pray. Amen.
APPLICATION
Every day, write down the Bible verses that speak to your heart and experience His light shining in the darkness.