4
MAY 2026
Bakit ang Hirap Naman ng Buhay?
Can you smile through trials and give thanks? Kilalanin sa ating devotion ngayon ang isang taong nakaranas ng blessing sa gitna ng matinding pagsubok. Welcome to the second part of our series “Gratitude to God in All Circumstances.”
“Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”
Juan 16:33
Sina Laura at Martin ay bagong mag-asawa na puno ng love at excited sa future nilang dalawa. But early in their marriage, Martin was diagnosed with a brain tumor. He had disabilities as a result of complications from the surgery. Dahil sa mabigat na pagsubok, marami siyang naging tanong sa Diyos — mga “what if.” As a result, nabuo ni Laura Story ang kantang “Blessings.”
Hindi dinisenyo ng Diyos na maging mahirap ang buhay. God created a perfect life for Adam and Eve with Him in the Garden of Eden. They had everything they needed in paradise, but when they disobeyed God, sin ruined everything. Doon nagsimula ang paghihirap ng tao na mabuhay.
Patuloy nating nararanasan ang ripple effects of Adam and Eve’s disobedience to God. Pero kahit mahirap ang buhay dito sa lupa, nakakapagpagaan naman ang pangako ng Panginoong Jesus sa mga sumasampalataya sa Kanya. He gave us an assurance na kaya nating harapin ang mga hamon ng buhay dahil nagtagumpay na Siya laban sa kapangyarihan ng mundo. Ang mga tumanggap kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay naging citizens of heaven, part of the family of God, and will reside in the kingdom of God forever. Doon wala nang paghihirap, hinagpis, at mga luha.
Para kay Laura, ang kantang “Blessings” ay nagbigay sa kanya ng maraming awards. Sumikat ito nang husto sa buong mundo. Higit sa lahat, mas nakilala ng mag-asawa kung sino ang Diyos habang hinaharap nila ang mga pagsubok sa kanilang buhay.
Samahan ninyo kami uli bukas para sama-sama nating pasalamatan ang Diyos sa Kanyang kabutihan. Kita-kits tayo para sa series nating “Gratitude to God in All Circumstances.”
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat po sa paalala Mo na kahit kami ay nakakaranas pa rin ng hirap at pighati sa mundong ito, napagtagumpayan Mo na ang lahat ng ito. Kaya hindi kami susuko. Salamat sa kapayapaan at tibay ng loob na bigay Mo. Amen.
APPLICATION
Listen to “Blessings” by Laura Story. Ask God for the grace to face your trials so they can be turned into a testimony for His glory.
SHARE THIS QUOTE
