3

MAY 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Justin Meel dela Cruz

Madali bang magpasalamat kapag tayo ay natatakot, nahihirapan, at puno ng problema? Paano tayo magtitiwala sa Panginoon? Alamin natin sa ating bagong series na “Gratitude to God in All Circumstances.”

Kapag ako’y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.

Awit 56:3

Si Joshua ay isang mountain climber. Sa ganitong larangan, kailangang maging physically active and mentally prepared dahil hindi pare-pareho ang taas ng mga bundok na  aakyatin. Kadalasan, may iindahing physical pains, o minsan naman ay may dadaanang mountain trail na hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari. Mabuti na lang may kasama siyang tour guide na tutulong sa kanya para hindi maligaw at para makaiwas sa anumang posibleng aksidente o trahedya.

Sa buhay, may mga pagsubok tayong pagdaraanan na maikukumpara natin  sa isang bundok na sobrang hirap akyatin. The feeling of uncertainty can sometimes create fear in our hearts that can paralyze us. Mapapasabi ka minsan, “Bakit naman sa lahat ng tao ay ako pa ang nakasalo ng matinding pagsubok sa buhay?” Sa mga pagkakataong ito, nari-reveal kung anong laman ng ating puso. Sa mga panahong nawawalan tayo ng pag-asa, saan ba tayo pupunta? Kanino tayo kakapit kapag nagigipit? 

Nangako si Jesus na kapag tayo ay natatakot, maaari natin Siyang lapitan at pagkatiwalaan. Sa pagharap sa iba’t ibang suliranin sa buhay, hindi tayo iiwan ni Jesus. Hindi lang Siya parang tour guide sa isang mountain trail; instead, sasamahan ka Niya sa bawat bahagi at oras ng  buhay mo. Sa hirap man o ginhawa, Jesus is with you always. You can put your hope in Him.

Thank you for joining us today and we hope to see you tomorrow for the second part of our series, “Gratitude to God in All Circumstances.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, in times of weakness and when facing challenges in life, help me to remember that You are with me. May I always fix my eyes on You. Give me wisdom and strength to face the uncertainties of life. Amen.

APPLICATION

Tell Jesus about the problems or challenges you are experiencing now. Allow Him to speak to you by reading His Word, the Bible. Hold on to His promises and believe that He will carry you through all challenges.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 4 =