25

APRIL 2026

Bakit Kailangan Nating Ma-Save?

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Peter Adelberth Ocampo

Kumusta, Tanglaw fam! Welcome sa ating series na “Salvation: Your Top Questions Answered.” Ngayong araw, sisimulan natin sa basic pero importanteng tanong: “Bakit Kailangan Nating Ma-Save?” Sapat na ba ang pagiging mabait? Alamin natin ang mas malalim na dahilan mula sa Salita ng Diyos.

Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Mga Taga-Roma 3:23

Madalas, naririnig natin ang tanong na, “Bakit ko kailangan ng pagliligtas? Hindi naman ako masamang tao. Ginagawa ko naman ang tama, at sinisikap kong maging mabait sa kapwa.” At totoo, marami sa atin ang nagsisikap na mamuhay nang maayos, na may mabuting puso. Pero kung titingnan natin ang tanong na ito mula sa pananaw ng Diyos, makikita natin ang isang mas malalim na katotohanan. Ang problema kasi, hindi lang ito tungkol sa pagiging “mabait” kumpara sa ibang tao. Ang sukatan natin ay ang perpekto at banal na Diyos.

Ang kasalanan ay hindi lang ang paggawa ng masama; ito rin ay ang pagkabigo nating maabot ang perpektong standard ng Diyos. Parang isang pana na hindi tumama sa target. Hindi lang ito ang mga malalaking kasalanan na nakikita ng lahat, kundi pati na rin ang hidden thoughts — ang pagiging makasarili, ang pagmamataas, at ang hindi pagbibigay sa Diyos ng nararapat na papuri. Ang bawat isa sa atin, sa iba’t ibang paraan, ay lumihis sa Kanyang kalooban.

Ang kasalanan ay para ring isang malaking pader na naghihiwalay sa atin mula sa isang banal na Diyos. Dahil sa Kanyang katarungan at kabanalan, hindi Niya maaaring hayaan na magkaroon ng kasalanan sa Kanyang presensya. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng pagliligtas. Hindi natin kayang sirain ang pader na ito sa sarili nating pagsisikap o sa paggawa ng mabuti. Ito ay dahil sa universal human condition na tayo ay separated mula sa Diyos dahil sa ating kasalanan. Kaya nga, may fundamental need for something more, something outside of ourselves, to bridge that gap and restore our broken relationship with Him. It’s something only Jesus can do.

Sana’y naging malinaw sa atin ngayon ang dahilan kung bakit kailangan natin ng pagliligtas. Patuloy tayong mag-reflect at maghanap ng katotohanan. Abangan ang susunod nating topic sa “Salvation: Your Top Questions Answered” series!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, kinikilala ko ang aking mga pagkukulang at ang aking pangangailangan sa Inyo. Salamat sa Inyong Salita na nagpapakita sa akin ng katotohanan. Tulungan Ninyo akong lubos na maunawaan ang Inyong pag-ibig at ang Inyong kaloob na pagliligtas. Sa pangalan ni Jesus, ito ang aking dalangin. Amen.

APPLICATION

Ngayong naintindihan mo ang pangangailangan ng pagliligtas, ang praktikal na hakbang ay manalangin at tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, na nagsisisi sa iyong mga kasalanan. Ito ang simula ng isang bagong buhay at relasyon sa Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 11 =