26
APRIL 2026
The Gospel Is Powerful!
Kumusta, Tanglaw fam? Welcome ulit sa ating series na “Salvation: Your Top Questions Answered.” Sa nakaraang topic, naintindihan natin kung bakit kailangan natin ng pagliligtas. Ngayon, ang tanong naman ay, paano tayo maliligtas? Ano ang paraan ng Diyos para rito?
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una’y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.
Mga Taga-Roma 1:16
Madalas, kapag naririnig natin ang salitang “gospel” o “good news,” iniisip natin na ito ay simpleng payo lang, o isang set ng mga aral na dapat sundin. Para sa iba, parang isa lang itong religious story. Pero ang totoo, ang gospel ay higit pa riyan. Sabi sa Mga Taga-Roma 1:16, ito ay “kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya.” Hindi lang ito basta salita; ito ay kapangyarihan ng Diyos na may kakayahang baguhin ang buhay ng tao.
Bakit ito kapangyarihan? Dahil ang gospel ang sagot ng Diyos sa problema ng kasalanan. Ang gospel ang mensahe ng Diyos para muling makalapit tayo sa Kanya. Ito ang magandang balita: Tayo ay nagkasala at hindi natin kayang iligtas ang ating sarili, kaya si Jesus ay namatay sa krus para bayaran ang ating mga kasalanan at buhayin tayong muli. Ito ay para bigyan tayo ng bagong buhay. Ang kapangyarihan nito ay hindi galing sa kung gaano kagaling ang nagbabahagi , o kung gaano ka-emosyonal ang mensahe , kundi sa mismong katotohanan ng ginawa ng Diyos.
Para sa mga hindi pa nakakakilala sa Diyos, ang gospel ay ang nag-iisang paraan para makahanap ng tunay na peace at purpose sa buhay. Para naman sa mga Cristiano, ito ang patuloy na pinagmumulan ng lakas para mamuhay nang may pag-asa at pagbabago. Hindi ito isang ideya na kailangan nating pag-aralan lang, kundi isang katotohanan na kailangan nating maranasan. Ang kapangyarihan ng gospel ay nakikita sa pagbabago ng puso, sa pagpapatawad ng kasalanan, at sa pagbibigay ng pangako ng buhay na walang hanggan. Hindi ito kalokohan, kundi ang pinakadakilang kapangyarihan sa lahat.
Sana’y naging malinaw sa atin ngayon ang kapangyarihan ng ebanghelyo. Ito ang tulay na nag-uugnay sa atin sa Diyos. Patuloy tayong mag-reflect at maghanap ng katotohanan. Abangan ang susunod nating topic sa “Salvation: Your Top Questions Answered” series!
LET’S PRAY
Panginoon, salamat po sa Inyong good news, ang Iynong kapangyarihan para sa aking kaligtasan. Tulungan Ninyo po akong lubos na maunawaan at tanggapin ang katotohanang ito. Nawa’y ang kapangyarihan ng Inyong Salita ang magpatuloy na bumago sa akin. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
APPLICATION
Ang praktikal na application nito ay simple: Tanggapin ang Good News nang buong puso. Maniwala sa mensahe ni Jesus at sa Kanyang ginawa para sa iyo. Kung nagawa mo na ito, ibahagi ang kapangyarihang ito sa iba sa pamamagitan ng ng iyong buhay at salita.
SHARE THIS QUOTE
