13

AUGUST 2026

Bakit si Jesus Lang Ang daan?

by | 202608, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Peter Adelberth Ocampo

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”

Juan 14:67

Narinig mo na ba ang kasabihang “All roads lead to Rome”? Ganito ang paniniwala ni Joey; na basta’t mabuti ka, kahit anong relihiyon mo, pare-pareho lang ’yan na daan patungo sa Diyos. Pero sa dami ng daan, isang tanong ang kailangang harapin: Kung puwede naman palang kahit ano, bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at mamatay sa krus?

Hindi ba parang overkill kung marami namang ibang paraan?

Sabi ni Jesus sa John 14:6, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Hindi Niya ito sinabi para maging exclusive elitist. Sinabi Niya ito kasi Siya lang ang gumawa ng isang napakahalagang bagay na hindi ginawa at hindi magagawa ng sinumang founder ng kahit na anong relihiyon: pinasan Niya ang kasalanan ng mundo, namatay Siya, at muling nabuhay (1 Mga Taga-Corinto 15:3–4). Walang ibang figure sa kasaysayan na may parehong claim at may eyewitness records para patunayan ito.

Hindi ito simpleng usapin ng pagiging mabait. Romans 3:23 says, “Ang lahat ay nagkasala.” Kung kaya nating iligtas ang sarili natin sa pamamagitan ng kahit na anong relihiyon, then the cross was unnecessary, and God made a tragic mistake. Pero hindi Siya nagkamali. The cross proves there is no other way, kundi Siya.

Kaya kung sinasabi mong lahat ng daan ay pare-pareho, magandang tanungin: Alin sa mga daan na ’yan ang nagbigay ng Tagapagligtas na nagbuwis ng buhay para sa iyo? Wala nang iba, si Cristo nga lang talaga.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, dahil totoo ngang Ikaw lang ang Daan, ayokong makaligtaan ’yun. Gisingin Mo ang puso ko sa katotohanan. Turuan Mo akong magtanong, magsaliksik, at magtiwala. Salamat sa Iyong sakripisyo. Salamat dahil hindi Mo kami iniwang manghula lang ng daan patungo sa Diyos Ama. Amen.

APPLICATION

May kaibigan ka bang curious o skeptic? Imbes na pilitin silang maniwala, bakit hindi mo sila iinvite na magtanong? Magbasa kayo ng Gospel of John together. Let the truth speak for itself.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 15 =