12
AUGUST 2026
Magkano ang Kailangan Mo?
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan.
1 Timoteo 6:10
Kung sinusundan mo ang popular Netflix series na Squid Games, alam mo that the plot revolves around players in a secret deadly game. Lahat halos ng contestants ay in deep financial hardship, mostly from gambling debts. Kamatayan man ang hinaharap ng bawat player in every game, the lure of the grand prize was greater.
Sinasabi sa Bible, “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan” (1 Timoteo 6:10). Pinatunayan ito ng ilang characters sa Squid Games Season 3. Kahit pa ilang grupo ang nabuo among them for protection and strategy, kaliwa’t kanan din ang betrayal nila sa isa’t isa. And pinakamasakit ay ang ma-witness ang isang mother who stabbed her own son to death to protect a newborn baby and the mother from being killed by him. Even the baby’s own father was willing to sacrifice his own child to win the pot money in the end.
Ang isang example sa Bible ng taong gumawa ng masama dahil sa pag-ibig sa salapi ay si Judas Iscariote. Tatlong taon siyang kasama ni Jesus bilang alagad pero dumating ang puntong nakisama siya sa mga taong galit kay Jesus. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Jesus?” ang tanong niya sa mga punong pari (Mateo 26:15). Accepting the payment of 30 pieces of silver, Judas sealed the deal. Ang kanyang pag-ibig sa salapi ay higit pa sa kanyang relasyon kay Jesus, enough to betray him.
Maraming nag-iisip na pera ang solusyon sa lahat. Totoong malaki ang maitutulong nito sa kaginhawaan ng buhay. Pero alam din nating money doesn’t buy happiness, only temporary satisfaction. And the more we crave it, lalo tayong nagiging alipin nito at natutulak sa kasamaan. Just look at the lessons from the Squid Games players and Judas. Huwag naman sanang ganyan din ang maging ending natin.
LET’S PRAY
O Diyos ko, tulungan po Ninyo akong matutong makuntento sa Inyo at umiwas sa tuksong hatid ng kayamanan.
APPLICATION
Describe a time when you were tempted by money. What lesson did you learn from that situation?
SHARE THIS QUOTE
