8
JUNE 2025
Balde-Baldeng Pagpapala
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis, ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!
\Awit 126:5–6
May nabalitaan ka na bang mga plantito at plantita na nagtanim sa tuyong lupa? Weird, ‘di ba? Pero alam mo ba na ang sabi sa Bible ay may masaganang ani na naghihintay sa mga taong matiyagang nagtatanim sa kabila ng tagtuyot?
Psalm 126:5 describes a farmer who sows seeds even during dry times. Kahit luha na niya ang ipinandidilig sa mga ito ay matiyaga pa rin siyang nagtatanim. At kahit parangwalang nangyayari at wala siyang nakikitang bunga despite all his efforts, this faithful farmer continues to plant seeds.
May mga dry seasons din ang buhay natin. Ito ang mga panahon na parang walang progress na nangyayari at puno pa tayo ng problema. Pero tulad ng natural na ikot ng panahon, uulan ulit. Ang walang bunga ay mamumulaklak at ang tuyot ay muling mabubuhay.
The Lord wants to encourage you today na ang balde-baldeng luha na idinilig mo sa mga itinanim mong kabutihan, pagmamahal at efforts ay hindi masasayang. Why? Dahil puwedeng magbunga rin ito ng balde-baldeng pagpapala! A bountiful harvest that will make you sing for joy if you remain in Jesus. For when we stay faithful to Him despite the unfavorable events in our lives, it becomes an example of believing even without seeing (Juan 20:29). God will be pleased and He will reward our faithfulness (1 Samuel 26:23).
Truly, those who sow in tears shall reap in joy! And if we don’t give up on doing good, at the proper time, we will reap a harvest (Galatians 6:9). Kaya tuloy lang, kapatid! Malapit na ang harvest season mo!
LET’S PRAY
Jesus, palakasin Mo po kami to be able to remain in You especially during difficult times. Maraming salamat dahil kasama Ka namin in every season of our lives. We await for a fruitful harvest in Your time. In Your name, we pray. Amen.
APPLICATION
Think of an area in your life that is currently dry. Then draw and color any fruitful plant, pangalanan mo itong “Ani” and write Awit 126:5–6 anywhere on the paper. Display this and let it serve as your reminder of God’s faithfulness.
SHARE THIS QUOTE
