9
JUNE 2025
Our Ultimate Companion
Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Juan 1:14
There is always a first time. And when that happens, madalas napupuwersa tayong lumabas ng ating comfort zone at mangapa. Tulad na lang nang nangyari kay Karla. Na-stroke ang kanyang asawa at dahil first time itong nangyari, nagbago ang lahat para kay Karla. Pupuwede siyang mangamba at ma-discourage pero madasalin si Karla, at tuwing kinakausap niya ang Panginoon, napapanatag siya. Her peace comes from knowing the God who knows all things and sees all things. Alam ng Panginoon ang nangyayari to the last detail at alam din Niya ang kahihinatnan ng lahat.
If you were on your way to a place that you have never been to before pero alam mong inaabangan ka ng isang nagmamahal sa iyo, isang puspos ng kagandahang-loob, ‘di ba nakakadagdag-tapang at nakakagaan ng kalooban?
Imbes na ma-insecure si Karla, lalong tumatag ang puso nang isuot sa kanya ng admissions officer ang wrist tag na “Companion” — kasama. Oo, siya nga lang ang magiging kasa-kasama ng kanyang asawa pero hindi siya nag-iisa. May Companion silang mag-asawa every step of the way. Sino ba ang nangakong ‘di tayo iiwan at ‘di tayo pababayaan? Si Jesus, ang Diyos. Iniwan din Niya ang kanyang comfort zone nang Siya ay naging tao to be with us, kaya nauunawaan Niya ang ating mga pinagdadaanan. Siya ay nangako rin na lahat ng pagsubok ay napagtagumpayan na Niya. Paano ‘di magtitiwala si Karla kay Jesus na puspos ng katotohanan?
Nang na-approve na for discharge ang kanyang asawa, may surprise visit si Karla from a friend na dating nurse. How helpful! And how Christlike! Maraming tanong si Karla na nabigyang-linaw ng kaibigan, who patiently assisted them until her husband was able to leave the hospital.
LET’S PRAY
Lord, even if I have to step out of my comfort zone, You are already there. Salamat at naiintindihan Mo ang mga hamon at pagsubok na aming hinaharap. At nasa Inyo ang tagumpay. Amen.
APPLICATION
Using the word “Companion,” create an acronym (ex., C—Comforting, O—Omnipresent, etc.). Choose words that remind you of Jesus who is full of grace and truth and thank Him for the kind of companion He is.
SHARE THIS QUOTE
