8

FEBRUARY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Paano mo nga ba mamahalin ang isang taong nagtaksil sa iyo o gumawa sa iyo ng masama? Let’s find out as we begin our new series today titled “God Commands Us to Love One Another”.

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Mga Taga-Roma 12:19

“Ha? Paano yun?” Hindi talaga maintindihan ni Ethel ang ganitong utos ng Biblia sa mga mananampalataya. Huwag maghiganti? “Baliktad nga yata mag-isip ang mga Cristianong ito. Kung ako ang tatanungin, matagal ko nang sinugod ‘yan!” Nanikip kasi ang dibdib ni Ethel sa galit nang malaman kung paano tinatrato ng asawa ang kanyang kaibigang si Melda. Yakap-yakap niya ito habang humahagulgol hangga’t wala na itong mailuha. At nakita niya mismo kung gaano bumagsak ang katawan ni Melda dahil isang linggo na itong hindi makakain at hindi makatulog.

Pero nakita rin ni Ethel kung paano nahihimasmasan si Melda tuwing nagbabasa ng Bible. Nang isinama siya ni Melda sa church, napansin ni Ethel ang kapayapaang bakas sa mukha nito habang nagwo-worship. “Magtiwala tayo sa Panginoon,” sabi pa ni Melda, na nakuha pang ngumiti.

Dumaan ang mga buwan, taon, at na-witness ni Ethel ang pagkilos ng Diyos sa buhay ni Melda. Hindi lang pinrovide ni God ang lahat ng pangangailangan nito; lagi rin itong napo-promote sa trabaho, at meron pang mga all-expenses-paid trips abroad. In contrast, ang dating sikat at mayamang asawa nito ay unti-unting nalulong sa bisyo. Nawala ang pinagkakakitaan at nagkasakit. Di naglaon, iniwan na siya ng babaeng naging dahilan ng kanilang problema.

May natutunan si Ethel mula sa kaibigan. Sabi ni Melda, “Kung naghiganti ako — kung dinemanda ko siya o pinabugbog — makukuntento na ba ako? Hindi pa rin ako sasaya. Pero ang pagpapatawad, ang pagtitiwala sa Panginoon — iyan ang tunay na nakakahilom sa sugat ng puso. Si God na ang bahala.”

Through the grace of God, we can forgive those who have hurt us. And forgiving others is a noble expression of our love for them. Join us again tomorrow as we continue our series “God Commands Us to Love One Another”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa Inyong promise that You will fight for me. Revenge is Yours. Hindi ko kailangang maghiganti. All I need to do is to trust in You, and You will heal me. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

May galit ka ba sa ilang tao? O tampo? Receive God’s grace and decide to forgive them. Kung maaari, let them know that you have forgiven them. This way, you will set yourself free.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 12 =