26

SEPTEMBER 2022

Bawal Judgmental

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Shiara Denise Cano

Sinisiyasat ng taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit walang sinumang makakasiyasat sa kanya.

1 Mga Taga-Corinto 2:15

ANG TANONG! Isa yan sa linyang sinasabi sa isang noontime variety show. Maganda ang concept ng segment na to pero, ANG TANONG!: “Bawal nga ba maging judgmental lalo na kung ikaw ay isang Bible-believing Christian?”

We are commanded by Jesus Himself in Luke 6:37, “Do not judge, and you will not be judged.” Bakit ba tayo binigyan ng ganyang command and ano ba ang hindi natin dapat husgahan? Sabi sa Mateo 7:1–2, “Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.”

Many people are quick to judge dahil sa pananalita, hitsura, pag-uugali, o estado sa buhay ng iba. But a person’s character is usually shaped by his/her experiences and environment. We must seek to understand why people act the way they do before we judge them. Bakit ba naging tsismosa si Marites? Bakit ba naging mataray si Karen? Baka may nangyari sa kanila in their childhood or naka-experience sila ng trauma.

In the same way na ayaw mong ma-judge ka dahil hindi nila alam ang kwento mo, ganun din naman ang ibang tao. Sadly, a person thinks that he is doing right in his own eyes kaya nagiging madaling maging judgmental sa iba. Harsh tayo sa pagtingin sa iba pero we make excuses for ourselves. Let’s be careful na hindi tayo maging hypocrites. Jesus warns us in Matthew 7:5, “You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye. 

Bawal maging judgmental. But being loving to others? Nothing should stop us from doing that.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, turuan Mo po ako na maging appreciative sa ibang tao. Sana ay maiwasan ko ang maging judgmental sa aking kapwa. Baguhin Mo po ang aking puso at isipan tungkol dito. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Remember that we all have life stories na pwedeng masakit at mapait. Apply God’s word of not judging others and also, loving your neighbor as yourself.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 6 =