25

SEPTEMBER 2022

Sino Naman Ang Aking Kapwa?

by | 202209, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Prexy Calvario

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Mga Hebreo 13:16

Ang meaning ng salitang kapwa sa ating wika ay higit pa sa “ibang tao” kundi karugtong ito ng kultura ng pakikipagkapwa, pagmamalasakit at pagtrato bilang kapantay at kaisa. At bilang followers of Christ, God calls us to be more radical towards our “kapwa.”

The second greatest command is, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39). At kung sinasabi nating iniibig natin ang Diyos pero kinapopootan naman ang ating kapatid, sinungaling tayo (1 Juan 4:20). At kung mamahalin lamang natin ang nagmamahal sa atin, magpapautang sa makakapagbayad lamang, ano ang pagkakaiba natin sa hindi nagmamahal sa Diyos? (Lucas 6:32–36) “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap” (Mga Kawikaan 31:8–9).

Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang (Mga Taga-Roma 14:7). If we live, we live for Christ. If we die, we die for Christ (Romans 14:8). “At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.” paalala sa atin ng sumulat ng liham sa Mga Hebreo.

Kaya naman sa pagpasok mo sa trabaho, sino naman ang iyong kapwa? Sa pag-check mo ng mga news feed sa social media account mo, sino naman ang iyong kapwa? Sa pag-uwi mo sa bahay, sino naman ang iyong kapwa? And the real question is how will you love them?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, buksan Ninyo ang aking mga mata upang makita ko kung sino ang aking kapwa at buksan Ninyo ang aking isip kung paano ko sila iibigin ng ayon sa Salita Mo. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

As you begin your day, ask the Lord to lead you to someone who He would want you to bless today.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 4 =