5

MARCH 2023

Bawat Gising, May Blessing!

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Thelma A. Alngog

Kung umaga’y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.

Awit 90:14

Tanong ng isang TV commercial, “Pagmulat mo mula sa masarap na pagtulog, handa ka na bang uminom ng paborito mong kape?” Tanong ko naman, “Tama bang kapeagad ang nasa isip natin para mapasabi tayo ng “Boom! Gising!”? Para sa iba, oo. Pero kung si Lord ang una nating iisipin sa umaga, mapapasigaw talaga tayo ng “Boom! Blessing!”

It’s true. Every gising is a blessing from God. God causes the sun to rise every morning. He gives us new hope and offers us a fresh start every single day. So the moment you wake up, breathe deeply, be happy, and congratulate yourself because you are alive. Be thankful for the life that the Lord has given you and start your day with Him. Sabi sa Joshua 1:8, “Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.” Listen to God every morning and get His instruction.

Paggising pa lang, don’t let your problems dampen your spirit. Hindi natin minamaliit ang struggles ng mga taong matutulog at magigising na problema pa rin ang kakaharapin, gaya ng mga nasalanta ng malakas na typhoon, o ang mga nasakalagitnaan ng giyera ng Ukraine at Russia. Wala man tayo sa ganoong klaseng battle, maaaring nakikipaglaban naman tayo sa malalang sakit na dala ng virus, o nakikibaka sa matinding problema. May sakit at problema man o wala, the moment you wake up is a blessing from God. Ipapadama Niya ang wagas Niyang pag-ibig sa atin. He will keep us safe under His care and remind us that He hasn’t lost control (Psalm 46:10b). We have unlimited reasons to thank and trust Him every day. Kaya paggising natin sa umaga, subukan nating mag-pray, mag-worship, at magpasalamat for the gift of life. Bawat gising sa umaga, may blessing!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Your steadfast love never ceases. Sa pagmulat pa lang ng aking mga mata sa umaga, ipadama Ninyo sa akin ang Inyong wagas na pag-ibig. I love You, Jesus. Amen.

APPLICATION

Pag-open pa lang ng eyes mo sa umaga, start with a prayer thanking God for another day of blessing. Read your Bible and play music like Don Moen’s song “Thank You Lord.” Listen also to our Tanglaw devotional sa app or read your Tanglaw devotional book every morning and before sleeping.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 8 =