29

MARCH 2023

Beating Loneliness

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Abi Lam-Parayno

Today, we come to the last part of our series “The Lord is My Shepherd.” But don’t be sad dahil sa devotional natin ngayon, you’ll be assured of His faithful presence saan ka man naroroon.

Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay; at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Awit 23:6

Have you ever come across the phrase “loneliness pandemic?” Ito iyong paglaganap ng kalungkutan sa sangkatauhan dala ng madalas na pag-iisa. Base na rin sa mga artikulong na-publish tungkol dito, mas pinalala ng COVID-19 ang loneliness pandemic na ito dahil na rin sa implementation ng quarantine, remote work setup, distance learnings, at lockdowns. Ang dati nang isyu ng isolation ay mas lumala dahil sa pagdating ng coronavirus sa buong mundo. We were forced to change our lifestyle. Activities, like eating out, watching movies, hanging out in malls, going on road trips, enjoying the company of our classmates and colleagues, were suddenly prohibited or, at most, limited. Sa kabila ng pagluluwag ng protocols sa ating bansa, there is still a part of us na takot makisalamuha at conscious pa rin sa social distancing.

Kaya naman isang malaking assurance ang ipinangako ni God: na makakasama natin habambuhay ang Kanyang kabutiha’t pag-ibig. In the New International Version, it says, “Surely your goodness and love shall follow me all the days of my life.” Let us not ignore how the verse starts. It says, “Surely…” Sigurado! Kumpirmado! Imagine if goodness and love are two friends who sit, dine, pray, and sing with you. How amazing it is to have them as housemates, right? May ka-fellowship tayo araw man o gabi!

Sana ay lalo kayong napayapa at natuwa because you realized that you have a loving and caring Great Shepherd, Jesu Christ. Hindi ka Niya iiwan, hindi ka Niya pababayaan. Huwag n’yo rin sana kaming iwan. Samahan n’yo kami uli bukas for another inspiring message from the Word of God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Oh Lord, my God, alam Ninyo ang aking pinagdadaanan sa araw-araw. Alam Ninyo kapag ako’y nalulungkot at walang matakbuhan. Maraming salamat dahil ipinagkaloobNinyo sa akin ang Inyong kabutihan at pag-ibig. Nagdiriwang ako dahil alam kong magpakailanman, sa bahay mo, O Panginoon, ako’y mananahan.

APPLICATION

Sa halip na magbasa ka ng mga artikulong nakakadagdag sa iyong kalungkutan, why don’t you read and ponder on Psalm 23:6? Isapuso ang pangako ng Panginoon na makakasama mo Siya at ang Kanyang kabutiha’t pag-ibig habang ika’y nabubuhay.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 4 =