5
NOVEMBER 2024
Being a Cheerful Giver
Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.
2 Mga Taga-Corinto 9:7
Madali ba para sa iyo na magbigay sa Panginoon? Real talk: madalas, mahirap para sa ating gawin ito. We may reason na kung Creator ng mundo si Lord, pag-aari Niya ang lahat ng matatagpuan dito. Unli ang resources Niya. Kaya bakit Niya kakailangin ang pera natin?
If we claim that we recognize na ang Diyos ang panginoon ng buhay natin, dapat, Panginoon Siya sa bawat bahagi ng buhay natin. At kasama na rito ang finances natin. Sa Malakias 3:10, matatagpuan ang utos ng Diyos na magbigay ng 10% ng ating kita sa Kanya. Ang unang instinct para sa marami sa atin ay icompute kung magkano ang mawawala sa atin dahil dito, at kung ano ang matitira. Sapat pa kaya ito o dapat manginig na tayo dahil parating na ang “Judith” o due date ng mga bayarin?
Bahagi na ng human nature ang maging fearful about the future. Alam kasi nating so many things are beyond our control. Pero kapag ipagpapatuloy ang pagbabasa ng Malakias 3, makikita natin ang magandang maidudulot sa pagbibigay sa Panginoon: magbubuhos Siya ng pagpapala sa atin (v. 11), at hindi niya hahayaang salantahin ng mga peste ang ating mga pag-aari (v.12).
To believe that God will fulfill these promises entails faith. Giving to the Lord requires that we trust Him. Pero ang kapalit nito, an assurance of protection and a feeling of certainty na hindi kayang ibigay ng mundong ito.
LET’S PRAY
Lord, I pray that You will change my heart so that I will be more generous in giving back to You. Help me surrender my finances to You … para maipagkatiwala ko ito sa Inyo at maging Panginoon na rin Kayo sa bahaging ito ng buhay ko.
APPLICATION
Decide on how you are going to give to the Lord. Will it be a set amount, or a percentage of your income? Is it time to start tithing? Prayerfully commit to this decision.