4

NOVEMBER 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Prexy Calvario

“Ako si Yahweh; ‘yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri’y sa akin, hindi sa diyus-diyosan.”

Isaias 42:8

You may have seen the phrase, “To God be the glory?” many times. Pero ano nga ba ang ibig sabihin kapag sinabi nating, ‘To God be the glory?” At bakit kay God dapat ang glory?

Ang glory o gloria ay isa mga attribute o katangian ng Diyos. Hindi tulad ng alam nating “glory” ng tao na katumbas ng ganda o galing, ang glory ni God ay eternal at kailanman ay hindi lilipas.

Sa Bible, may mga taong nakakita ng glory ni God: Si Moses ay hiniling na makita ang glory ni God. Pero para makita ito ni Moses ay itinago siya sa malaking bato at dumaan ang glory Niya (Exodus 33:1823). Si Isaiah naman ay nagpatirapa nang makita niya sa vision ang glory ni God dahil na-realize niya kung gaano siya karumi sa kasalanan (Isaiah 6:14). We can see God’s glory in His creation (Psalm 91:1; Habakkuk 2:14). But ultimately, God’s glory is revealed in Jesus Christ (John 1:14).  

Giving God the glory or to glorify God is to praise and worship Him. Hindi ito isang template phrase na ilalagay sa huli ng project or isang good luck phrase. Hindi rin ito katumbas ng pagbibigay ng sacrifice pero hindi naman matuwid sa paningin ni God (1 Samuel 15:22; Proverbs 16:2). Sa halip, ito ay imbitasyon na purihin ang Diyos at ang Kanyang ginawa, magtiwala sa Kanya, at sumunod sa Kanyang Salita. Glory is for God alone, for God alone through His grace and by faith we are saved.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for sending Jesus Christ as Your revealed glory to us. Teach me Your ways and help me live a life that is pleasing to and glorifies You. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

May ipinapaalala ba sa iyo si Lord na ginagawa mo na hindi nakakapagbigay glory sa pangalan Niya? Manalangin at hingin kay God ang sensitivity sa Holy Spirit.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 15 =