12

MARCH 2023

Being a Peacemaker

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Michellan Alagao

“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.”

Mateo 5:9

Bilang Pilipino, malamang natutunan mo ang concept ng “pakikisama” sa pamilya, school, church, o community. Isa itong magandang katangian kung saan nagagawa nating makisama sa ating kapwa — getting along with others. Dahil dito, maraming nag-aakala na ang pagiging peacemaker ay parehas lang sa pakikisama or keeping the peace AKA pagiging “peacekeeper.” However, there are times when we need to speak up and not “go with the flow” lalo na kung ang nangyayari o sinasabi ay hindi maka-Diyos. There are times when we need to stop being peacekeepers and be peacemakers.

Paano kaya natin gagawin ito? Ano ba ang pinagkaiba ng peacemaker sa peacekeeper?

Kadalasan, ang peacekeeper ay nagme-maintain ng peace sa isang lugar. Usually, this is surface-level peace only. For example, kung nag-away kayo ng classmate mo, at pinagsabihan kayo ng teacher na “Tama na ‘yan! Wag nga kayo mag-away diyan!” at pinaghiwalay niya kayo, peacekeeper siya sa sitwasyon na iyon. Maaaring hindi na kayo mag-away o “peace” na kayo ng classmate mo, ngunit masama pa rin ang loob mo.

Pero kung ang teacher ay lumapit sa inyo ng classmate mo at nagsabi ng “Ayusin natin ito” at hinikayat niya kayong mag-usap nang masinsinan at makipag-ayos, masasabi natin na isa siyang peacemaker, sapagkat ang layunin niya ay magkaroon ng tunay na peace at ma-restore ang relationship ninyo ng classmate mo.

Peacemakers do not avoid conflict; instead, they face conflict in order to bring healing, wholeness, and restoration. Does that sound familiar? Sino ba ang nagdadala ng tunay na healing, wholeness, at restoration? Walang iba kung hindi si Jesus, ang Prince of Peace (Isaiah 9:6 NIV). Sabi ni Jesus, “Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God” (Matthew 5:9 NIV). We need to be not just peacekeepers, but peacemakers.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako na maging isang tunay na peacemaker.

APPLICATION

May times na kailangan natin maging silent in order to “keep the peace.” Pero may times na kailangan nating mag-salita, mag-mediate, o tumulong sa pag-restore ng mga relationship. Where is God calling you to be a peacemaker right now? Seek His guidance.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 11 =