12

NOVEMBER 2024

Best-Case Scenario

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Marlene Legaspi-Munar

Isa ka ba sa mga nawawalan ng peace of mind dahil laging negative ang iyong naiisip? We invite you to join us once again in our series, “A Place Called Peace.”

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

1 Pedro 5:7

Panay ang tawag ni Bert sa cellphone ng anak niyang first year student sa isang university. Walang sumasagot sa tawag niya kaya nag-alala siya. Baka kung saan na napunta ang bata. Hindi pa nito kabisado ang buhay sa Maynila. Baka naiwala niya ang kanyang cellphone. Baka may masamang nangyari sa anak ko … at kung ano-ano pang masasamang bagay ang naisip ni Bert.

Hanggang sa may sumagot sa phone. “’Tay, bumawi po ako ng tulog kasi napuyat ako sa paggawa ng drawings kagabi. Para hindi ako maistorbo, pinatay ko ang phone ko.” ‘Yun naman pala. May dahilan kung bakit hindi makasagot agad ang anak ni Bert sa kanyang tawag.

Kagaya ka rin ba ni Bert na minsan ay mas naiisip agad ang worst-case scenario kaysa manalangin muna at umasa na magiging maayos ang lahat? Although there is wisdom in preparing for the most unpleasant or serious thing that could happen in a situation, hindi naman mentally and emotionally healthy kung ito ang lagi nating default thinking.

Pinapayuhan tayo ng Bible na ipagkatiwala natin sa Panginoon ang lahat ng ating alalahanin dahil nagmamalasakit ang Diyos sa atin (1 Pedro 5:7). Nais ng Diyos na maging maayos ang ating kalagayan kaya tiyak na iingatan Niya tayo mula sa kapahamakan at ipagkakaloob Niya ang ating mga pangangailangan. And God is almighty and gracious. He holds all things together, and He can make all things work together for our good (Colossians 1:17; Romans 8:28). Kaya imbes na ang isipin natin agad ay ang worst case scenario, ipag-pray muna natin kay Lord ang ating concern and believe that under the Lord’s care, we can trust Him for the best-case scenario. And even when bad things happen, He can turn it into good.

Kapayapaan ang nais ng Diyos para sa ating lahat. Kaya why don’t you invite your family and friends to join us tomorrow for the last part of our series, “A Place Called Peace.” I’m sure the Lord will bless them.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, by Your power and grace, help me renew my way of thinking. I trust that You are concerned about me and that You are making things work together for my good and for Your glory.

APPLICATION

Consider what’s bothering you, then search the Bible for God’s promises about the matter. Meditate on these promises and believe that God is working for your good.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 1 =