11

NOVEMBER 2024

Petsa De Peligro

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Deb Arquiza

Naghahanap ba kayo ng kapayapaan? Halikayo’t samahan ninyo kami sa isa na namang bagong series na mapaghuhugutan natin ng inspirasyon at kapayapaan. Let’s now begin with our series, “A Place Called Peace.”

“Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ng lahat ng iyan.”

Mateo 6:31–32

Lunch time sa office nina Abi at nakita niyang nakaupo sa isang sulok at parang tulala ang officemate niyang si Princess. “Bakit parang malungkot ka, Cess? Kanina ka pa tahimik e. May problema ba?may pag-aalalang tanong ni Abi.

“Petsa de peligro lang, Abi. Iniisip ko na parang masho-short na ko. Dami ko kasing binayaran sa bahay. Hindi ko alam paano ko pagkakasyahin ang natitira kong pera para sa iba pa naming bills na malapit na mag-due, plus iyong araw-araw na panggastos ko pa papunta at pauwi from work,” malungkot na sagot ni Princess.

Nakakarelate ka rin ba kay Princess? Madalas ka rin bang ma-anxious or kabahan sa tuwing makikita ang dami ng mga bayarin at ang laman ng wallet mo na pakonti nang pakonti?

Hindi ka nag-iisa. Alam mo ba na hindi lingid kay Lord lahat ng mga ipinag-aalala mo? Concerned si Lord sa iyo, pati sa bills mo. He knows and sees everything! He knows how much we need, and when we need it. God doesn’t want us to lose our peace of over money. Gusto ni Lord na magtiwala tayo sa Kanya na Siya ang ating provider at kapag nangako Siya, tutuparin Niya. Sa Matthew 6:25–34, mababasa natin na kung ang mga ibon nga ay pinapakain ni Lord at ang mga bulaklak nga ay binubuhay Niya, tayo pa kaya na mga anak Niya?

Pangako ni Jesus na hindi Niya pababayaan ang lahat ng may faith sa Kanya. Magtiwala ka na love ka ni God at alam Niya ang iyong pangagailangan. Believe that when you ask in faith, you shall receive.

Remember: Jesus gave His all for us, which means there’s nothing He can’t give. So, smile and don’t worry! God will provide.

Join us again tomorrow for our series, “A Place Called Peace.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for reminding me that You always provide. Help me to trust You and not to worry. I surrender to You my anxious thoughts and ask for Your peace to fill my heart today. Amen.

APPLICATION

Ilista lahat ng mga bayarin mo and sabihin mo ito isa-isa kay Lord. With faith, hingin mo kay Lord ang pambayad. Huwag kang mahiyang humingi kay God.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 9 =