1

OCTOBER 2026

Beyond a Spa Experience

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Luisa Collopy

…walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel.

2 Mga Hari 5:15b

May isang spa bath advertisement ang ipinadala kung saan ay prinomote ang holistic healing and well-being benefits ng soaking in water combined with essential oils. It  promises much-needed relief from physical and mental tension. Uuwi ka ring refreshed and renewed ang balat mo.

Noong araw ay merong nangailangan ng a different kind of natural treatment. Si Naaman, isang pinuno ng hukbo sa Siria, ay may sakit sa balat — ang nakakadiring ketong. Ang katulong ng kanyang misis, isang dalagitang Israelita, ay nagbigay ng suggestion: “Kung ang asawa ninyo ay lalapit sa propeta na nasa Samaria, tiyak na pagagalingin siya niyon” (2 Mga Hari 5:3). At nag-travel si Naaman sa Samaria, kasama ang kanyang mga lingkod, para malunasan ang kanyang sakit.

​Nang dumating sa Samaria ang grupo ni Naaman, ipinasabi ni Elisha kay Naaman ang message na ito: “Pumunta ka sa ilog Jordan. Lumubog ka ng pitong beses at magbabalik sa dati ang iyong katawan. Gagaling ang iyong ketong” (v. 10). Nagalit si Naaman dahil mas malinis daw ang mga ilog sa kanilang lugar kaysa sa Jordan. Mas mabuting doon siya magbabad at may kasama pang beauty and charm ang surroundings.

His servants reasoned with him to follow Elisha. Finally ay na-convince si Naaman ng kanyang mga lingkod na sundin ang iniuutos. “Kaya, pumunta rin si Naaman sa ilog Jordan, at naglublob ng pitong beses gaya ng ipinagbibilin ng propetang si Eliseo. Nagbalik nga sa dati ang kanyang balat, tulad ng kutis ng bata” (v.14). It was a miraculous, “beyond a spa” experience!

Ang pagsunod sa kautusan ng Diyos ang tunay na nagpagaling kay Naaman, which also brought him salvation. Ang napakinis na kutis ay patunay lamang sa kanya at sa kanyang mga kasama ng kapangyarihan ng Diyos at na “walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel” (v. 15).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, Kayo lamang ang naghahatid ng tunay na kagalingan, maging pisikal o espirituwal man ang aking sakit. Tulungan Ninyo akong sumunod sa Inyong Salita.

APPLICATION

Anong “beyond a spa” experience ang iyong pinagdaanan? I-journal mo ito kalakip ang isang prayer of thanksgiving.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 6 =