17

DECEMBER 2024

Binagong Buhay

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Mil Matienzo

Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa kanila.

1 Timoteo 1:15

Marami sa atin ang nakakilala kay Paul bilang isang kahanga-hangang apostol at missionary na sumulat sa karamihan ng Epistles sa New Testament. Pero bago naging tagasunod ni Jesus si Paul, isa siyang malupit na taga-usig ng mga Cristiano. In Acts chapter 9, ipinakilala ni Luke si Paul bilang isang malupit at kakila-kilabot na tao. Isa si Paul sa mga nagpapahirap at tumutugis sa mga Christian noon. But then the Lord confronted him at the height of his ill repute and made a radical transformation into his life.

After Paul’s encounter with God, God commanded Ananias, isa sa mga tagasunod ni Christ, to come and minister to Paul. Ang matindi dito, hindi pa alam ni Ananias kung ano ang nangyari kay Paul. Ananias did not yet know of Paul’s conversion, but he knew about Paul’s persecution of Christians. Ang alam lang ni Ananias, Paul killed believers like him. Dahil ito lang ang alam ni Ananias, natural na natakot siya. He was fearful to the point of pushing back and resisting God’s command.

“Really, Lord? Si Paul?” wika ni Ananias.

Iniutos ng Diyos kay Ananias na mag-minister siya at magpakita ng pagkalinga kay Paul. However, for Ananias, love was not the first option — or quite possibly, not even an option at all. At malamang, if we were in that situation, pareho rin ang naramdaman natin.

Here is where we see the magnitude and gravity of the truth of the Gospel. Kayang baguhin ng Diyos ang buhay ng sinumang tao na magtitiwala sa Kanya. Totoong makasalanan si Paul. Totoong nakakatakot siya noon. Pero totoo rin na kayang baguhin ng gospel ang buhay ng isang tao. Kaya naman kahit na may valid point ang reluctance ni Ananias — recognizing that he had to minister to Paul, the chief of sinners — the gospel’s transformational work in the heart of Paul was even greater.

Because of the gospel, love is possible. Through the gospel, lives are transformed.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa pag-ibig Mo. Salamat sa magandang balita ng kaligtasan na kayang baguhin ang sinumang tao.

APPLICATION

Reflect on the transformational power of the gospel (Luke 19:1–10; Acts 16:27–34). Purihin ang Diyos sa mga buhay na Kanyang binabago.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 12 =