15

FEBRUARY 2026

Braving the New Season

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Taga-Roma 8:28

Na-experience mo na bang magkaroon ng answered prayer, like for a job, and after so many years of doing what God has called you to do, biglang may bagong opportunity na nabuksan para sa iyo? Then you ask yourself, “Paano ako aalis kung dito ako inilagay ng Panginoon?” Well, maybe it is time to enter a new season.

Isipin mo na lang na kunwari ay kaka-graduate mo lang sa high school at naghahanda para sa college. Bihira na kayong magkikita ng mga dati mong kaklase from your previous school at kailangan mong makipagkaibigan sa mga bagong kaklase. Mas mataas na ang level ng pag-aaral mo. Hindi mo rin alam if strict or accommodating ba ang new teachers mo. Thinking about all these things could fill you with jitters especially on your first day at your new school. But you can’t back down because there’s no way to go but up. Hindi ka puwedeng habambuhay na nasa high school.

Gaya ng moving up sa pag-aaral, may mga season sa buhay natin na kailangan nating i-graduate. Puwedeng tinatawag ka na ni God magpalit ng trabaho. O kaya naman, ikakasal na ang anak mo at kailangan mong tanggapin na hindi na ikaw ang number one sa buhay niya. Or it could be moving into a new place far away from home. Anuman ang bagong season mo, dahil lagi kang handang i-fulfill ang purpose ng Diyossa buhay mo, then you are assured that He is doing this for your own good. Kahit pa nakakakaba ang future, He will be with you every step of the way. Be brave!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I come to You right now and surrender my heart to You. Re-align my desires to Your will because I want to follow You more than anything else. Direct my path, Lord. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Swipe left at isama sa iyong Prayer List ang bagong opportunity na binubuksan sa iyo ni Lord. Pray for it and prepare your heart for what He is about to do.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 8 =