26
JUNE 2023
Bring Your Broken Heart to Jesus
Thank you for joining us in today’s second part of our series “God Heals the Brokenhearted.”
Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana.
Juan 12:24
Naranasan mo na bang ma-brokenhearted? ‘Yung pakiramdam na sa sobrang sakit parang titigil sa pagtibok ang puso mo. Iba-iba man ang dahilan at ang naging paraan ng pag-cope natin, being broken is one of the difficult seasons in our lives.
We will experience brokenness even if we are faithfully walking with the Lord. Our broken moment reveals our true heart. If we will be honest sa totoong nararamdaman natin, masasabi mong ang sakit talaga sa pakiramdam na minsan, sa kabila ng pagsunod at pagsisikap mo to be faithful, pinahintulutan pa rin ni Lord na maging brokenhearted ka. Nahihiya man tayong aminin, pero nagtatampo rin tayo. Others might say na hindi naman natin dapat sisihin si Lord at hindi tayo dapat magtampo sa Kanya. Yet, the truth is He is a loving God who understands our vulnerabilities and brokenness.
Kapag inamin natin that our heart is broken at may nararamdaman tayong pain, that’s when we will discover more of God’s love. Nabagabag din ang puso ni Jesus nang ipahiwatig Niya sa mga disciple ang Kanyang pagkamatay (Juan 12:27). Pero malinaw sa Kanya na dapat Siyang mamatay sa krus upang pagbayaran ang ating mga kasalanan. Kaya nang namatay ang katawang lupa Niya, sumibol ang pag-asa at natupad ang kalooban ng Diyos Ama na tayo ay maligtas (Juan 12:24; Isaias 53:11). Ngayon, sinumang manampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Our brokenness and pain should not lead us away from God. Instead, we can bring our broken heart to Jesus, let Him deepen our understanding of His love and grace, and allow Him to heal it. Tiyak, may maganda itong ibubunga.
Jesus, the Man of sorrows, cares for us and is with us when our hearts are broken. We hope that you’ve been comforted by His promise and presence. Tune in again tomorrow for the last part of our series “God Heals the Brokenhearted.”
LET’S PRAY
Lord Jesus, You endured the pain and suffering in this world. My momentary pain is nothing compared to what You have prepared for me. Thank You for Your love and grace. I trust that something good will come out of my brokenness.
APPLICATION
Click on the 700 Club Asia page and search for a compelling story of God’s faithfulness in seasons of brokenness.