20

JANUARY 2024

Brownout Pa Ba?

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Mari Kaimo & Written by Abi Lam-Parayno

Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.

Mga Taga-Colosas 1:13

Magtatatlong oras nang walang kuryente dahil may nasira raw na transformer sa kanto. Sunset na pero brownout pa rin. Kaya nagsindi na ng kandila ang mga nanay, nagkabit na ng mga kulambo ang mga tatay at halos mapunit na ang mga overused na pamaypay. Lahat na yata ng versions ng shadow play, nalaro na ng mga bata. At dahil sa dilim, hindi na mahanap ang bola ng jackstone na gumulong sa kung saan. Ito ang karaniwang tagpo kapag brownout sa probinsya. Noong panahong wala pang rechargeable lamps, solar-powered household fans, at unlidata para mag-Internet.

Bandang alas-otso ng gabi nang muling marinig ang ugong ng ref at electric fan, umilaw ang fluorescent light, at nabuhay ang TV. Theres something about having electricity that gives a sense of comfort. Mas may naririnig ka, nakikita, and you dont feel so isolated from the world. Pero nakaka-30 minutes na mula nang bumalik ang kuryente nang biglang sumigaw ang kapitbahay, “Yehey!!! May ilaw na!” Nakatulog na pala sila sa inip kaya nang magising, delayed reaction sila! It is quite a funny scenario. Yung lahat naka-recover na pero may isang nagtitiis pa sa dilim.

When we look at it in terms of life, we all know that no one wants to live in the dark. Pero the good news is maari tayong mamuhay sa liwanag — sa liwanag ng Diyos. Yung hindi tayo nangangapa dahil kita natin ang paligid, yung hindi tayo naliligaw dahil may Ama na gumagabay sa atin. Nakakalungkot lang na hindi alam ng lahat na posibleng mamuhay sa liwanag ng Diyos. Marami ang nakakatulog sa inip o di kayay nasasanay na sa dilim, thinking this is how life is supposed to be. But whats more unfortunate is when those who have found the Light dont tell others na tapos na pala ang brownout. Lets tell people that theres a way out of the darkness. The world needs to know: dumating na ang Liwanag.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Mahal kong Ama, I pray that Your word will continue to light my path, today and for the rest of my life. Dalangin ko rin na hipuin Ninyo ang aking makasariling puso and use me to share Your light to others.

APPLICATION

Nahanap mo na ba ang Liwanag? Malamang ay meron kang kilala na nangangapa pa sa dilim. Gamitin mo ang mga susunod na araw para alalayan siya patungo sa ilaw na ibinibigay ni Lord.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 9 =