21

MARCH 2023

Buhay-Pasahero

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Thelma A. Alngog

Thank you for tuning in again to our series “God Gives True Success”. Ipagpatuloy natin ngayon ang paglalakbay sa tunay na kahulugan ng tagumpay sa buhay.

Tulad ng aming mga ninuno, kami nga’y mga dayuhan at naglalakbay lamang. Ang buhay namin sa daigdig na ito ay parang anino at pansamantala lamang.

1 Mga Cronica 29:15

What is your most unforgettable experience in riding a jeepney? May isang writer na nag-interview ng mga pasahero about their unforgettable memories riding in a jeep para sa aklat niyang binubuo entitled Buhay-Pasahero.

Sabi ng isang interviewee, “Sumabit ako sa likuran ng jeep, ipinaabot ko sa ibang pasahero ang bayad pero wala ni isang pasahero ang nag-abot ng bayad ko. Biglang nagpreno ang mamang driver at nagulat na lang ako dahil nahila ang paa ko patungo sa loob ng jeep. Kaya ako na mismo ang nakapag-abot ng bayad sa driver.”

Isang senior woman naman ang nagkuwento ng ganito: “Sobrang lakas ng pinapatugtog ni Manong sa loob ng jeep kaya nang sumigaw ako ng, ‘Para na po, Manong Driver!’ hindi niya narinig. Lahat ng pasahero ay sabay-sabay na sumigaw ng, ‘Paraaaa!’ Habang nagmamadali akong bumaba, biglang pinaandar agad ng driver ang jeep. Humagis ako at parang palakang nag-landing sa gilid ng daan. Unforgettable talaga!”

Isa namang pastora ang nagpe-pray at umaawit ng gospel songs sa loob ng jeep. Biglang nag-declare ng hold-up ang katabi niyang mama. Hinawakang mabuti ng pastora ang bag niya at sinabi niya, “In Jesus name, I rebuke you! Go down from this jeepney, out!” Mahimalang natakot at bumaba ang mga holdaper. What a testimony! God was with her. Ikaw, anong kuwento mo?

Ang kuwento ng buhay ni King David ay kakaiba sa lahat bilang manlalakbay samundong ito. Ang sabi niya, “Tulad ng aming mga ninuno, kami nga’y dayuhan at naglalakbay lamang.” Inamin niya na ang paglalakbay natin sa lupa ay pansamantalalamang. He thanked God for the opportunity to serve Him and gave God credit for his success in life. He recognized that all things came from God. He used his time, talent, and treasures for God’s glory. God wants us to do the same. Marahil, marami sa atin ang malayo pa ang lalakbayin sa buhay. Be on the right course with God, and for sure, you will be successful.

Ipagpapatuloy natin bukas ang ating series on “God Gives True Success” and we hope you’ll join us again.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord, for the opportunity to love and serve You. Just like David, I will use my time, talents, and treasures to honor and glorify You. In the precious name of Jesus I pray. Amen.

APPLICATION

Submit to God and be faithful. Give God credit for what you have and use your time, talents, and treasures for His glory. Enjoy your ride with God!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 13 =