14
DECEMBER 2025
Busy or Blessed?
Kung isasama natin sa bilang ang araw na ito, twelve days na lang Pasko na! In the midst of our busyness, let’s pause first and listen to God’s Word upang ang season na ito ay maging tunay na meaningful. Join us as we start our series “12 Days Before Christmas.”
Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
Lucas 2:11
Naranasan mo na ba ’yung first week of December pa lang, pagod na pagod ka na? Biglang ang daming get-togethers na dapat puntahan at deadlines na dapat i-meet. Ang dami ring tao sa labas kaya lalong sumisikip ang mga kalsada. Parang mas madaling magtago na lang sa bahay at palipasin ang holidays,’di ba? See you next year na lang sa mga kakilala.
Maraming tao ang nakaka-experience ng holiday stress. Imbes na maging excited sa Pasko, nabu-burnout sila sa dami ng kailangang gawin. Kung isa ka sa kanila, baka makatulong sa iyo ang tips na ito:
Ngayong Christmas season, sana mas mag-focus tayo sa buhay ni Jesus kaysa sa pagod na dala ng holidays. Let’s feel blessed rather than stressed!
Samahan ninyo kami uli bukas sa ating series na “12 Days Before Christmas.” Kita-kits!
LET’S PRAY
Dear Jesus, minsan mas feeling stressed than blessed ako because of the holidays. Please always remind me na Ikaw ang dahilan kung bakit may Pasko. Tulungan Mo akong mag-focus sa Iyo sa gitna ng napakaraming celebrations, deadlines, and challenges ngayong Christmas season. Amen.
APPLICATION
Gumawa ng playlist of your favorite Christian Christmas songs na puwede mong patugtugin every time you feel overwhelmed this month. Puwede mo rin ito i-share sa mga kakilala mong nase-stress dahil sa holidays.
SHARE THIS QUOTE
