28
JANUARY 2026
Celebrate Your Child-Like Faith
Nang si Pedro ay kumatok sa pinto, lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon. Nakilala niya agad ang tinig ni Pedro, at sa laki ng tuwa ay hindi na nagawang buksan ang pinto. Sa halip, tumakbo siyang papasok at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.
Mga Gawa 12:13–14
Naaalala mo ba noong bata ka pa kung gaano kang kadaling magtiwala? ’Yung excited ka kapag nag-promise ang parents mo kahit hindi mo pa nakikita. Walang tanong-tanong at buo ang iyong faith sa kanila.
Ganyan din ang attitude ni Rhoda sa Acts 12. Nang makulong si Peter ay nagtipon-tipon ang believers para ipagdasal ang kanyang paglaya. While they were praying, si Peter ay literal na pinalaya ng isang anghel — isang miracle!
Pagkatok ni Peter sa pintuan kung saan sila nagtitipon, si Rhoda, isang batang servant girl, ang unang sumagot. Narinig niya ang boses ni Peter at dala ng excitement and joy ay tumakbo siya pabalik sa loob para sabihin sa lahat: “Nasa pinto si Peter!”
Pero hindi sila agad naniwala even if they were praying for Peter’s release from prison. Kabaliktaran nila ay nagpakita ng amazing child-like faith si Rhoda. How can we describe her faith?
Child-like faith recognizes miracles. Puno ng tiwala si Rhoda na walang imposible sa Diyos. In contrast, many of us become “realists” as we grow in our faith at naghahanap muna tayo ng ebidensya bago maniwala sa isang miracle. But Jesus said in Matthew 18:3 (NIV), “Truly I tell you, unless you change and become like little children, you will never enter the kingdom of heaven.”
Child-like faith celebrates before everyone else. Sa sobrang tuwa ni Rhoda, nakalimutan pa niyang pagbuksan ng pinto si Peter. Her faith inspires us to celebrate God’s promises even before it happens, because we know that He is faithful to complete it according to His will.
Child-like faith rejoices in freedom and victory. Like Rhoda and Peter, let’s remember that we can walk in the freedom and victory that God has given us. Hindi mo na kailangang magduda kung ikaw ay pinalaya na o mag-alinlangan kung may plano Siya para sa iyo dahil sinabi Niya about those who belong to Him, “I have come that they may have life, and have it to the full” (John 10:10, NIV).
LET’S PRAY
Dear God, patawarin po Ninyo ako kung minsan ay nagdududa ako. Gusto ko pong magkaroon ng child-like faith, believing without any hesitations. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Every morning, make it a habit to celebrate your answered prayers in advance kahit hindi pa tangible na nakikita ang kasagutan. Encourage your family and friends to do the same.
SHARE THIS QUOTE
