29
MAY 2026
Changing Prayers
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.
Mga Taga-Roma 8:26
It has been months since Jelo prayed and looked for a job, but he did not receive any reply from the applications he sent out. Although he did not want to leave his current officemates because he has a good working relationship with them, he needed to earn more to pay for his son’s medication. One Sunday, a teenager asked what Jelo’s prayer request was, so he explained his situation.
“Bakit hindi po provision mismo ang hingin natin kay God? Bakit bagong trabaho, kung ayaw naman ninyong umalis sa inyong trabaho ngayon?” This answer from the young man struck Jelo’s heart. He felt like it was the Holy Spirit teaching him the right words to pray.
True enough, after changing his prayer, he experienced God’s answer. Nakatanggap siya ng tawag mula sa dalawang katrabaho. Nagbigay ang mga ito ng projects outside of the company. Dahil nagustuhan nila ang mga output ni Jelo, sinabi nilang magiging regular na raket na ito para sa kanya. Indeed, God has provided after Jelo learned to pray according to God’s will.
Meron ka rin bang hinihintay na kasagutan sa matagal mo nang panalangin? Gaya ni Jelo, puwedeng may mabago kung mananalangin ka ayon sa kalooban ng ating Panginoon. A lot of times, may mga gusto kang mangyari sa buhay mo. Ngunit napakagandang maalala na higit na mas maganda ang plano ng Diyos para sa iyo. Kaya naman, maaari mong hingin sa Holy Spirit na i-redirect ang iyong panalangin.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat po na muli akong nabigyan ng pag-asa na nakikinig Kayo sa aking panalangin. Please heighten my discernment para maunawaan ko agad ang leading ng Holy Spirit whenever I pray. I submit my concerns to You today. Let Your will be done. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Isulat ang mga panalangin mong wala pang kasagutan. Hawakan mo ito habang ikaw ay nananalangin and ask the Holy Spirit to align your heart, you prayers, according to God’s will.
SHARE THIS QUOTE
