24

AUGUST 2026

Choose Kindness

by | 202608, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:32

Sa Pilipinas, kapag may nagsabi sa iyong sa government hospital sila nagpapagamot, for sure, maiisip mo kaagad ang hirap na dinadanas nila makapagpagamot lang. Kadalasan, dagdag pa sa stress nila ang mga hospital staff na masusungit. Kaso hindi mo naman sila masisi. Nararamdaman din nila ‘yung overwhelming stress at pagod sa pag-aasikaso sa lahat. Isama mo pa ‘yung internal problems sa loob ng ospital na hindi alam ng karamihan.

May isang pasyente ang nagpunta sa isang government hospital. Aware siya kung ano ang puwedeng maranasan niya roon. Kaya ilang ulit siyang nag-pray na sana kahit paano maging magaan ang experience niya. At tunay na  napakabuti ng Panginoon. Mula sa guard, maintenance staff, nurses, at doctor — lahat at nagbigay ng tapat at maayos na serbisyo sa kanya. Bawat isa sa kanila ay may ipinakitang kabutihan sa kanya.

Dahil sa mga munting kabutihan na ipinamalas ng mga hospital staff, napayapa ang loob niya. Sa kabila ng pagod at iniindang health condition, umuwi siyang magaan ang loob. Tumatak sa puso niya na puwede naman palang maging mabuti at makatao kahit sa isang stressful na environment.

Kindness will always go a long way. Ang isang simpleng kabutihan ay maaaring  makapagpagaan sa puso. Ang simpleng pagmalalasakit sa kapwa ay tunay na kinalulugod ng Panginoon.

The Lord Jesus Christ is full of kindness and compassion. In His infinite creativity, He continually finds beautiful ways to reveal His goodness to us. Araw-araw ay  mabuti Siya sa atin, at nais Niyang piliin nating maging mabuti sa iba sa lahat ng oras. Let’s make kindness our lifestyle, and let’s appreciate every small act of grace that comes our way. May the love of Jesus within us speak through every word and action, so that others may see His kindness reflected in us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, araw-araw nararanasan ko ang Inyong kabutihan. Maraming salamat po! Help me to make kindness  my lifestyle. Help me reflect your kindness to other people. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Make today count! Open your eyes and discover creative ways to share kindness with those around you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 7 =