25
AUGUST 2026
The Promise Keeper
Ang pinakamaliit na lipi ninyo ay dadaming mainam, at ang munting bansa ay magiging makapangyarihan. Ako si Yahweh na kaagad tutupad sa aking mga pangako kapag dumating na ang takdang panahon.
Isaias 60:22
Waiting. Patience. Will it work? Ilan lamang iyan sa mga salita na ating nae-encounter in our daily lives. In seasons of waiting, it can feel forever for some people before an opportunity — or even growth — finally comes. And at times, our patience is tested aswe go through various challenges in life.
Si Jerome ay isang graduating high school student. Ang pangarap niya ay makapag-aral ng mass communication. Pagkaatapos niyang mag-take ng college entrance exam, nabuo ang worry at takot sa kanyang puso dahil naramdaman niya na mababa ang kanyang chance para makapasok. Sa panahong iyon, ang tanging ginawa ni Jerome ay magdasal at magtiwala kay Jesus. Nasambit niya, “Jesus, I surrender the results of my college entrance exam. Let Your will be done.”
After that prayer, nagkaroon ng peace at confidence si Jerome that everything will be alright. At matapos ang ilang weeks, nakita niya online ang result: Nakapasa siya sa college entrance exam. Sa panahon ng kanyang paghihintay, naniwala si Jerome kay Jesus na kaya Niyang gawin ang tila imposible sa kanyang sitwasyon. Katulad niya, we will also face important moments in life. The question is: Where are we focusing right now?
In the Bible, maraming nakasulat na pangako ni Jesus na natupad. Patunay lamang na Siya ay isang promise-keeping God. Huwag tayong magduda at mawalan ng pag-asa na harapin ang ating mga problema sa buhay dahil kasama natin si Jesus. Let us surrender everything to Jesus. He is faithful to fulfill what He has promised in our lives.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, sinusuko ko lahat ng aking mga alalahanin at problema sa buhay. Turuan Mo po akong magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa sa aking pinagdaraanan.
APPLICATION
Sa iyong journal or cellphone, isulat or i-type ang mga pangako ni Jesus na makikita sa Bible. Read one every day and believe He is faithful to fulfill His promises.
SHARE THIS QUOTE
