6

FEBRUARY 2026

Choose Your Squad Wisely

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama’y nakakasira ng magagandang ugali.”

1 Mga Taga-Corinto 15:33

May kuwento tungkol sa dalawang parrot. Si Olive ay singer. Naturuan siya ng kanyang owner na umawit. Specifically, hymns o spiritual songs ang inaawit ni Olive. Si Popeye naman, madalas magmura. Naisip ng owner ni Popeye na pagsamahin ang dalawang parrot at baka sakaling matutunan ni Popeye ang mga awit ni Olive. Unfortunately, baliktad ang nangyari. Si Olive ang nahawa kay Popeye. Dalawang parrot na tuloy ang nagmumura. Pati pala ibon, naloloko at nabibiktima.

Sinabi ni Apostle Paul na nakakasira ng magandang ugali ang masasamang kasama. Katulad na lamang ng napabalitang binata na napabarkada sa wrong crowd. Dumaan sila sa isang convenience store. Pumasok ang mga kasama niya sa loob, nagnakaw, at napatay pa nila ang tindera. ’Di man lang umapak sa loob ng store ang binata pero kasama siyang nasentensiyahan ng 40 years sa kulungan! Kaya pala mariing ipinagbabawal ng Diyos ang makiisa sa masasama. Hahantong siya sa kapahamakan.   

Iba naman ang effect kung matitino ang squad natin. Dahil mahilig mag-aral ang mga kaibigan ni Maria, nahikayat siyang seryosohin ang kanyang studies. Na-experience niya ang ma-mentor at mag-mentor. Ang kahinaan ng isa, napunan ng kalakasan ng iba. Pare-pareho silang nabigyan ng award  pagdating ng kanilang graduation. Sabi sa Mga Kawikaan 13:20, “Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.” Kaya let’s be wise in choosing our squad!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa Inyong pagmamahal na kalakip ng bawat utos at babala. Bigyan Ninyo po ako ng wisdom sa pagpili ng mga kaibigan. Sana makilala ko po ‘yung mga kaibigan that will draw me closer to You and inspire me to do the right thing. Amen.

APPLICATION

Tumayo ka sa isang silya while a friend is standing by the seat. Try to pull up your friend while he tries to pull you down. Sino ang mas nadalian? What does this imply when it comes to positive and negative influences?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 3 =