3

DECEMBER 2024

Courageous Christian Ka Ba?

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Luisa Collopy

Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. Kaya’t huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon …

2 Timoteo 1:7–8a

Nakasakay sa isang Israeli bus ang isang pamilya. Bitbit ang kanilang mga maleta, bumaba sila sa Yitzhak Ramin border ng Israel upang tumawid sa Wadi Araba border ng Jordan upang makarating sa Petra. Bago pa sila makakuha ng Jordanian visa, tinawag ng Jordanian border patrol officer ang mag-asawang Edwina at Mike. Naiwan ang kanilang mga anak sa labas. 

Pagpasok nila sa opisina, tinanong sila kung sino ang nagmamay-ari ng nakabukas na maleta. Ang nilalaman nitong Christian tracts in Arabic and Hebrew ay nahalungkat na. Inamin ni Edwina na kanya ang maleta kahit alam niyang maaari siyang makulong.

Na-detain sila. Hiningi nila sa Panginoon na bigyan sila ng lakas ng loob at padalhan sila ng tulong. At nanalangin sila for God’s protection para sa kanilang mga anak, dalawang teenagers na hiniwalay sa kanila.

Makalipas ang anim na oras, dumating ang isang lalaki. Tinanong nito kung ano ang pangalan ng kanilang anak na dalaga. “Faith,” ang sagot ni Edwina. “I like that name!” ang sabi nito, sabay kindat sa kanya. “Lord, ito na ba ang pinadala Mong tulong sa amin?” ang inisip ni Edwina. At malaking himala na pinalaya sila! 

Ang mga alagad ni Jesus ay binigyan Niya ng babala: “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas” (Mateo 10:22). Maaaring makaligtas sa pagkabilanggo tulad ni Edwina at Mike. Maaari ring maraming titiisin tulad ni Apostle Paul na ilang beses tumanggap ng hagupit sa kamay ng mga Judio at mga Romano at binato (2 Mga Taga-Corinto 11:24–25a). Ang mahalaga ay magpatotoo ka sa iyong pananampalataya at maniwalang ang Diyos ang Tagapagligtas.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, palakasin Mo ang aking pananampalataya at kalooban!

APPLICATION

Read the stories of David Livingstone and Hannah Whitall Smith, heroes of faith.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 15 =