19
SEPTEMBER 2024
Created for Relationships
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae.
Genesis 1:27
Bakit kaya ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may kapareho? All created things and beings come in pairs and groups, and then flourish and increase in number. Walang nilalang na mag-isa lang mula sa umpisa hanggang ngayon. This is true especially for us.
God created us to be in relationship with our fellow human beings. Kasama sa ating pagiging kawangis ng Diyos ang ating ugnayan sa isa’t isa dahil nilikha Niya tayong may kapwa. Hindi lang para magkaroon tayo ng kasama, kundi para magkatulungan sa ibinigay na tungkulin. God gave all of us the mandate to rule and care over His creation. Therefore, to have good relationships with others is to be faithful to our design and purpose as images of God.
Kung palagi natin itong naaalala, makakatulong sana ito para sa kapayapaan at pagkakaisa ng ating mga komunidad. Kung ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay hindi lang optional kundi bahagi ng ating pagkatao, dito rin tayo makakahanap ng kabuluhan sa buhay. So, to be selfish or self-centered is to walk away from our natural design.
The good news is hindi pa huli ang lahat. Sa totoo lang, bahagi ito ng pangmalawakang plano ng Diyos — to reconcile all things — especially His people. Sabi nga ni Apostle Paul, “Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo” (Mga Taga-Efeso 1:10b). That’s why Jesus Himself teaches us to love our neighbor as we love ourselves.
Alam nating napakagulo ng mundo. Our relationships within our communities or families are far from perfect. But to make good relationships with one another is our natural design and Jesus commands us to love. It is not optional, so let’s be intentional.
LET’S PRAY
Lord, help us see beyond the imperfections of others and remember how You created us for relationships. Help us learn from Jesus’ example.
APPLICATION
Talk to a neighbor and find ways to connect. For example, maaaring may kakulangan sa bahay nila na maaaring makatulong ka. Mag-share ng espesyal na lutong bahay kahit walang okasyon. Ask how you can pray for them.