18

SEPTEMBER 2024

Peace Be with You

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Joshene Bersales

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:7

A classic children’s song says something about having peace that passes understanding down in one’s heart. Pero ano ba ang ibig sabihin nito? Paano ba yung may peace na hindi kayang ipaliwanag o maunawaan ng tao?

Ito ‘yung kahit ang dami mo ng challenges sa buhay, kalma ka pa rin. ‘Yung hindi ka pa sure kung saan kukuha ng pambayad ng bills next week, pero hindi ka nagpa-panic. ‘Yung may naninira sa iyo, pero imbes na magalit, mas pinipili mong ipaubaya kay Lord na ipagtanggol ka.

Kapag may peace that passes understanding tayo, ibig sabihin nagtitiwala tayo na puwede tayong lumapit kay God anytime. Alam natin na He will be there para pakinggan ang prayers natin, thanksgiving, reklamo, o call for help man ito. Itong peace of God na ito, iingatan nito ang puso at isip natin, kaya hindi na natin need mag-overthink, maging anxious, o mag-panic.

So paano natin maa-achieve ang peace na ito? Sabi ni Paul sa Philippians 4:7, ang peace of God “will guard your hearts and minds as you live in Christ Jesus.” By living in Jesus, natututo tayong sundin ang Kanyang commandments. At ito ang greatest sa lahat ng utos Niya: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” At, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:37–39).

Loving God and others — kapag ginawa natin ito, nakikipag-isa tayo kay Jesus. At dahil dito, bibigyan Niya tayo ng peace na hindi kayang maabot ng isip natin. Ito ’yung peace na hindi nawawala kahit biglang magbago ang situation natin. Peace na tutulong sa ating hindi mag-overthink. Peace na hahayaan tayong matulog nang mahimbig in God’s care.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, bigyan Mo po ako ng peace that passes understanding anuman ang nangyayari sa buhay ko. Tulungan Mo akong makipag-isa sa Iyo at sundin ang commandments Mo. Amen.

APPLICATION

Sabayan ang kantang “Joy, Joy Down in My Heart” ng Kids Praise! 3, lalo na ang line about having peace that passes understanding. If you are not familiar with this song, you can find another Christian song about God’s peace and sing or listen to it.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 5 =